Dawn Chang engaged to Ralph Calinisan in ‘Deal or No Deal’ proposal

Engaged na ang dating PBB housemate na si Dawn Chang kay NAPOLCOM Commissioner Atty. Ralph Calinisan, ang proposal ay nangyari mismo sa ABS-CBN show na ‘Deal Or No Deal’.
Sa Kapamilya : Deal Or No Deal episode noong October 17, si Dawn mismo ang naglaro at kasama naman niya si Atty. Ralph habang nanonood sa audience.
Maging si Dawn ay nagulat at na-surprise nang umakyat na si Atty. Ralph sa stage ng Deal Or No Deal at biglang naglabas ng singsing.
Ani Dawn : “Nawala ‘yung train of thought ko but thank you.. thank you for finally asking me.”
Jackpot man ang dating PBB housemate sa pa-surprise proposal ng long-time boyfriend, hindi naman nagwagi si Dawn sa Deal Or No Deal dahil ang ma-uuwi niya ay sampung piso lang, ito ang laman ng kanyang briefcase na inilaban niya sa dulo ng game.
Hindi lingid sa marami na nasa limang taon o 5 years na ang relasyon nina Dawn at Atty. Ralph bago tuluyang nag-propose sa kanya ang NAPOLCOM Commissioner.
