Michelle Dee, kinasuhan si Xian Gaza.

Nag-sampa ng reklamo ang beauty queen na si Michelle Dee laban kay Xian Gaza.

Pormal na kinasuhan ni Michelle Dee ang social media personality na si Christian Albert Gaza o mas kilalang Xian.

Ngayong araw February 16, personal na dumulog sa tanggapan ng NBI o National Bureau of Investigation si Michelle para mag-sampa ng cyber libel complaint kay Xian.

Ani Michelle : “I know I’m on the right side of this… I put my trust in our system, and I know that lalabas naman po ang kailangan lumabas.”

Dagdag pa niya : “But am I worried? I’m just happy to be celebrating Chinese New Year very soon.”

Agad na nag-post si Xian sa kanyang Facebook page tungkol sa kasong isinampa ni Michelle laban sa kanya, tinawag pa nito na isang ‘very strategic’ move daw ang ginawa ng beauty queen para matakpan lang ang issue nila ni Rhian Ramos at Sam.

Ani Xian : “Matapos ireklamo sa kasong illegal detention at pambubugbog, beauty queen na si Michelle Dee, nagsampa ng cyber libel laban kay Xian Gaza! Matapos nito sabihing nakipag-3some siya with Sam and Rhian!”

Dagdag pa niya : “Good move. Very strategic. Wais. Para ma-divert kay Xian Gaza Libel yung buong issue at malayo sa driver na binugbog nila at dinetain illegally. The news headlines will become Michelle Dee VS Xian Gaza tapos siya na ngayon yung biktima na lumalaban. Because let’s be real, the threesome tsismis did not hurt her career at all. Ilang taon ng maingay yung issue na yan.”

Kung ating babalikan, naging blind item ni Xian sina Michelle Dee, Rhian Ramos at Sam Panlilio dalawang taon na ang nakalipas, tinukoy ni Gaza na may isang beauty queen ang may ka-threesome at sinabi nito na ito raw ay sina “S” at “R.”

Pahabol ni Xian : “Yung mga tsismis sa buhay ng mga celebrities eh normal at madaling lusutan. Nakakatulong pa nga yan actually sa career nila. Ang mahirap eh yung ma-news headline kang nambugbog ng isang ordinaryong tao.”

Dagdag pa niya : “Back out lahat ng projects niyan sayo. This too shall pass. Praying for Michelle. Sana maisalba pa niya.”

Kasama sa kinasuhan ni Michelle ang 3 Facebook pages na nagpapa-kalat ng fake news tungkol sa kanya.