Menu
Diwata, ibinandera ang kanyang new business.

May new business o negosyo na naman si Diwata.
Sa pagka-lugi ng paresan ni Deo Balbuena o mas kilalang Diwata, inumpisahan na ng vendor ang ipinagma-malaki niyang new business.
Kung ating babalikan, malungkot na ibinahagi ni Diwata sa Youtube channel ni Ogie Diaz noong february 14 ang tuluyang pagka-lugi ng kanyang paresan.
Pagbabahagi ni Diwata : “Sarado na lahat… nalugi na talaga ‘yung paresan ko. tapos, diniclare ko na siya na bankrupt. Kasi hindi ko na din kaya mag-finance kasi nga, wala nang kinikita.”
Dagdag pa niya : “May Paresan parin ako.. Pero cart nalang.. Ambulant vendor nalang ako.”
Bago paman ang naging panayam ng pares vendor kay Ogie, muli itong nakulong dahil sa kanyang paresan, ayon sa mga ulat lumalabas na hindi compliant ang negosyong ito ni Diwata dahilan para ilabas ang kanyang warrant of arrest.
Kaya naman masayang ibinahagi ng vendor ang bago niyang negosyo at taas noo niyang sinabi na ito raw ay legal na, kumpleto na raw ito sa mga tax obligations at mga papeles mula sa pamahalaan.
Pagbabahagi ni Diwata : “Ayon ah.. Mommy Ogie, ito na nga ‘yung hindi alam ng lahat na meron po akong ibang negosyo, nag-start ‘to nakaraang taon pa.. Ito naman proud akong sabihin kasi legit naman ‘to.”
Dagdag pa n iya : “So lahat ‘to nag-comply tayo sa DTI, SSS, BIR.. lahat ‘yan.. Meron akong safety gears trading na kung saan.. Safety gears ‘yung mga PPE.. ‘yung mga sa constructions, ‘yung mga hat, mga trafficon, mga cusion tape.. so ito ngayon ang bagong negosyo ko..”
Ang negosyong ito ni Diwata ay may pangalan na ‘DJB Safety Gears Trading’, ang initial na DJB raw ay nagmula sa tunay na pangalan niya na ang ibig sabihin ay ‘Deo Jarito Balbuena’.
Matapos ibinandera ng vendor at negosyante ang bago niya negosyo ay nakatanggap naman ito ng samu’t-saring komento sa social media, pumalag naman si Diwata sa mga negative comments na nababasa niya.
Pahayag niya : “sabi ng basher ko hnd kana makakaangat or makakaahon?? hehe ano ka dios? ikaw na pala may hawak ng buhay ko? ikaw na nagdidisisyon.”



