Kim Atienza, pumalag kay Robin Padilla.

Pumalag si Kim Atienza sa pag-tawag ni Robin Padilla na ‘weak’ ang mga kabataan ngayon.

Sinagot ng kapuso host na si Kim Atienza ang naging pahayag ni Robin Padilla kamakailan na pagku-kumpara sa mga kabataan noon at sa ngayon.

Kung ating babalikan noong February 11, tinawag na ‘mahihina’ o ‘weak’ ni Robin ang mga kabataan sa kasalukuyan dahil sa pag-taas ng suicide rate sa ating bansa.

Ito ay binitawan ng senador sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media noong miyerkules.

Ani Robin, mas madaling masaktan o maapektuhan raw ang maraming kabataan ngayon kumpara sa henerasyon nila noon. Binigyang diin rin nito ang labis na pag-gamit ng mga ito ng social media.

Pagbabahagi ng senador : “Ang mga bata po ngayon sad to say, wag kayong magagalit sakin — nako, maraming batang magagalit siguro — pero pasensya na kayo… you are weak.”

Dagdag pa niya : “Noong panahon namin di uso yung salitang ‘depression.’ ‘Di ko nga alam yun eh, kung ano yung depression.. ngayon batang maliit sasabihin, ‘I’m depressed.’ Magulo.”

Dito na pumalag si Kuya Kim, hindi lingid sa marami na pumanaw ang kanyang anak na si Emman Atienza noong nakaraang taon dahil sa mental health.

Ani Kim : “On February 11, during a Senate hearing on the proposed Children’s Safety in Social Media Act, Senator Robin Padilla said depression wasn’t something they talked about in his generation, going as far as to describe today’s youth as ‘weak.’”

Dagdag pa niya : “While views may differ on how depression is understood across generations, one thing is clear: support should always be available. That’s why we’ve put together a list of 24/7 crisis hotlines, because whether or not the word was used before, the need for help is real for many today.”

Komento ng netizens kay Kuya Kim : “Pasensya na po kayo ngayon lang nagkaroon ng bobo senador, noong mga bata kami wala naman ganyan.”

Dagdag pa ng isa : “lets educate the young ones in order not to be called as weak. let them not use depression and anxiety as their daily expression every time they encounter pressures in life (families, schools, peers, environment, etc.) unless parents subject them for consultation to mental health professionals. I think Robin Padilla point of view of using weak as a term is pertaining to life skills of our children today.”