Interview ni Catriona Gray kay Karen Davila tungkol kay Sam, Viral.

Usap-usapan ang interview ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Ms. Karen Davila.

Ibinahagi ni Catriona Gray sa isang interview kay Karen Davila ang tunay na dahilan sa hiwalayan nila ng aktor na si Sam Milby.

Matapos ang ilang taon na pananahimik, binigyang linaw ni Catriona kung bakit naging mapait ang ending ng relasyon nila ni Sam Milby.

Chika pa ng beauty queen, matapos raw ang ilang buwan nang pag-proposed sa kanya ng aktor ay agad na nagbago ang isip ni Sam at sinabing hindi pa siya handa na mag-asawa.

Dito na labis na nasaktan si Catriona at inamin na sobrang nasaktan siya at nadurog ang kanyang puso, aniya : “There was a point in our relationship where I think he just realized that he wasn’t ready to take it to the stage of commitment that we were on, because he had proposed.”

Dagdag pa niya : “And then, a few months later, [Sam] realized that hindi pala siya ready. So, that was very hurtful for me, and I was really blindsided at the time.”

Dito na ibinahagi ni Cat na handa raw siyang mag-adjust kung ano man ang hihilingin ni Sam sa kanya para lang mag-patuloy ang kanilang relasyon, pangarap rin kasi ng beauty queen na magkaroon ng mga anak at pamilya.

Ani Catriona : “It was the hardest thing to do, but I realized that I needed to choose myself in that moment, because I’ve given so much in trying to adjust.. ako na maggi-give dito, I’ll try to be understanding.”

Dagdag pa niya : “As a woman, I wanna have a family. I wanna get married, and I’d love to be a mom someday. So, I really want a partner who values me and sees that future too.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing baka hindi pa handa si Sam na magpa-kasal dahil sa kanyang sakit na autoimmune diabetes.

Ani ng netizens : “Baka natatakot si sam na mag commit kay catriona dahil sa kanyang sakit na diabetes, yan cguro ang nasa isip niya na paano nalang kung lumala ang sakit niya.”

Dagdag pa ng isa : “sayang sam, nag propose ka hindi ka naman pala ready. I feel bad for Cat pro ganun tlaga , what goes around , comes around , Iniwan din ni cat c clint for sam dati.”