Menu
Will Ashley, pumalag matapos inokray ang kanyang height.

Inokray na naman ng mga bashers ang height ni Will Ashley.
Hindi nakapag-pigil at pumalag na ang PBB alumni na si Will Ashley matapos pagtawanan at binash ang kanyang height.
Habang nasa gaming livestream si Will, nabasa niya ang mga komento ng netizens na pambabatikos tungkol sa kanyang height, siya ay may tangkad na 5’7.
Dito na pumalag ang aktor at nilinaw na kahit hindi siya biniyayaan ng pagiging matangkad ay binigyan naman siya ng panginoon ng maraming talents.
Ani Will Ashley : “Ginagawang pangkabuhayan yung pamba-bash. Wala na ba kayong ibang pam-bash kung hindi height ko? jusko! five years na akong tapos diyan. Wala na ibang mahanap?”
Dagdag pa niya : “Anong magagawa ko ito lang binigay ni Lord, eh.. At least binigyan ako ng [mga talents like] singing, dancing, acting, [may] modeling din ako, [at] gamer ako.”
Aminado si Will na matagal na niyang tinanggap na hindi na siya tatangkad, tungkol rin sa pagiging pandak niya ang mga komento na nakukuha niya online.
Kung ating babalikan, ibinahagi rin ni Will sa loob ng bahay ni kuya o PBB house na naa-apektuhan siya noon kung ang height na niya ang pag-uusapan.
Ani Will : “Nakaka-apekto [talaga] sa akin before ay mga comments na, ‘May itsura, magaling sana kaso kulang sa height’”.
Samantala, usap-usapan naman ang relasyon ni Will sa kapwa PBB housemate nito na si Mika Salamanca, kung ating babalikan.
Naging laman kasi ng mga balita ang Hong Kong trip nina Mika at Will dahilan upang makatanggap ng mga batikos online ang dalawa.
Kinumpirma naman ng source ni Ogie Diaz ang tungkol sa tunay na relasyon ng mga kapuso stars.
Ani Ogie Diaz : “May nakarating lang naman sa akin. Hindi ko po kino-confirm ito, pero may naka-usap lang ako at biglang sinabi na ‘confirmed’ ‘yung Will Ashley at Mika Salamanca.”



