Inamin ni Mika Salamanca na nanliligaw na sa kanya si Will Ashley.
Sa isang podcast ni Mika Salamanca, inamin niya na ilang beses niyang binasted ang kasalukuyan niyang manliligaw na si Will Ashley.
Pagbabahagi pa ni Mika, ang tanging priority niya paglabas ng PBB house ay ang kanyang career, nagbago raw ang lahat dahil sa taong nanligaw na sa kanya.
Ani Mika : “Pero this person kasi, very persistent talaga, very consistent Actually, kuwento ko, binasted [ko] na siya ng ilang beses. Hindi isang beses, respectfully. And ‘yung taong to kasi sobrang ma-respeto, so every time na binabasted ko siya, hindi niya tine-take negatively. Parang nag-aano pa siya, parang nagpu-push pa siya.”
Pagpapatuloy ni Mika : “Na-feel bad ako, pero I have to be honest with him. I really have to. Kailangan ko i-communicate ‘yung nangyayari sa situation ko ngayon. Kahit masakit, para sa kanya. Kung ano ‘yung pakiramdam ko ngayon, kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon. Mga ganoong moment.”
Very obvious naman na ang manliligaw na tinutukoy ni Mika ay ang kanyang kapwa PBB alumni na si Will Ashley, hindi naman kinumpirma ng dalaga kung tuluyan na nitong sinagot ang binata.
Pagbabahagi pa niya : “Na-feel bad ako, pero I have to be honest with him. I really have to. Kailangan ko i-communicate ‘yung nangyayari sa situation ko ngayon. Kahit masakit, para sa kanya. Kung ano ‘yung pakiramdam ko ngayon, kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa kanya ngayon. Mga ganoong moment.”
Dagdag pa niya : “Ngayon, pinayagan ko na talaga siya manligaw. And man oh man, ayun ‘yung best decision na ginawa ko sa isang tao. Parang sa kanya ko nabigay ‘yung ganoong privilege. I must say privilege, para ligawan ako, kasi sobrang sarap mahalin nang tama.”




