Ferdinand dela Merced, nabanas sa mga bashers.

Pumalag sa mga bashers si Ferdinand dela Merced o mas kilalang Philippine Looper.

Ibinahagi ni Ferdinand Dela Merced ang kanyang sama ng loob dahil sa kawalan ng respeto at pagpapa-halaga sa kanya ng mga kapwa Pilipino.

Sa kanyang mga social media posts, hindi niya naitago ang bigat na nararamdaman. Ang pagkaka-sabay ng pagod, pagkadismaya, at galit na sana ay mas maintindihan ng mga tao ang kanyang pinagdadaanan.

Ayon kay Ferdinand, napaka-dali raw para sa mga netizens ang manghusga at magbigay ng masasamang komento online laban sa kanya.

Ngunit para sa kanya, kakaunti lamang ang tunay na nakakakita sa mga sakripisyong ibinibigay niya sa kanyang paglalakad.

Sa araw-araw na siya ay naglalakad, hindi raw ito isang trip-trip lang, ito rin raw ay may matinding laban sa pagod, gutom at init ng panahon.

Sa kabila nito, pinipili pa rin ni Ferdinand na magpa-tuloy dahil sa layunin at paniniwala niyang may saysay ang kanyang ginagawa.

Hindi rin niya pinalampas ang mga netizens na imbes na suporta at paghanga ang kanyang matanggap, panlalait at pangungutya pa ang bumabalik sa kanya.

Ani Ferdinand : “Wala kayong mga respeto, hindi niyo alam naglalakad ako kahit di pa ako nagkakape at nag-aalmusal.”

Si Ferdinand Dela Merced aka “Philippine Looper,” ay isang pinoy hiker na sumusubok gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng paglalakad sa lahat ng 82 probinsya ng Pilipinas para sa isang Guinness World Record.

Para sa kanya, hindi lang ito personal na pangarap; dala rin ng kanyang paglalakbay ang mensahe ng tibay ng loob ng mga Pilipino, pagkakaisa, at pagpapakita ng ganda ng turismo sa bansa.

Ang kanyang paglalakad ay hindi lang personal na hamon, kundi representasyon ng determinasyon ng isang Pilipinong patuloy na lumalaban, kahit sa gitna ng pagod, gutom, at panghuhusga.