Jayden Fernandez, umamin na siya ang nasa viral video.

Anong meron sa viral video ni Jayden Fernandez?

Umamin at nag-sorry ang fitness trainer at freelance model na si Jayden Fernandez tungkol sa viral private video na kumalat sa social media.

April 25, ibinahagi ni Jayden sa pamamagitan ng isang TikTok live ang tungkol sa kanyang viral video scandal na nangyari raw noong siya ay single pa.

Ani Jayden : “Pagdating po doon sa mga narinig niyo, nalaman niyo doon about the video, I admit po, before nung single po ako… I tried things out of curiosity. Na right now, pinagsisisihan ko. Hindi ko na inisip iyong consequence.”

Dagdag pa niya : “Husgahan niyo na ako, sabihin niyo lahat ng gusto niyong sabihin. Pero huwag nyong idamay yung girlfriend ko and yung family ko.”

Kasunod nito ay nag-sorry rin si Jayden sa kanyang girlfriend. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil sa mga natanggap niyang suporta mula sa kanyang pamilya.

Kung ating babalikan, pinag-pyistahan rin ang mga sikat na personalidad na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva at Manuel Chua dahil sa paglabas ng kanilang private video.

Tila may isang sindikato raw ang nasa likod nito na nagbe-benta ng kanilang mga videos online.