Menu
Ina ni Rhian Ramos, tinawag na ‘lying theft’ ang driver ng anak.

Pumalag si Clara Ramos sa driver ng kanyang anak na si Rhian.
Hindi napigilan ng ina ni Rhian na si Clara Ramos ang maglabas ng galit laban sa VACC matapos nilang panigan ang driver ng kanyang anak.
Sa Instagram account ni Clara, dito na siya nag-labas ng pahayag tungkol sa VACC o Volunteers Against Crime and Corruption, ayon sa kanya na hindi niya maintindihan ang organisasyon sa pagpanig sa driver ng kanyang anak.
Ani Clara : “I don’t understand VACC’s support for a lying thief. Nagpa-interview pa left and right, dishing out unverified information. It has helped fuel this social media frenzy, leaving the ones stolen from and betrayed to be victimized even more by depraved imaginations with stories morphing like cancer.”
Dagdag pa niya : “Watching the internet tear my daughter apart for things she didn’t do. She doesn’t deserve this. Sure, through the years we know bashers will bash, but this? This is brutal, and whoever’s running this show is sick!”
Kung ating babalikan, umingay ang mundo ng social media matapos masangkot sina Rhian Ramos, Samantha Panlilio at Michelle Dee sa isang isyu nang diumano’y pambubugbog at pag-detina sa isang driver.
Ang driver na si Bonifacio Tibayan Baro ay PA o personal assistant rin ng aktres na si Rhian, dumulog siya sa tanggapan ng NBI upang magsumbong laban kina Rhian, Samantha at Michelle.
Sa naging salaysay ni Baro, paulit-ulit raw siyang sinaktan noong January 17 sa mismong loob ng condo unit ni Rhian sa Makati City.
Ani Baro : “Galing kami sa taping… Pag-uwi ko po ng alas tres ng madaling araw, kami ni [Rhian]… Pagbaba ko po ng gamit, bigla akong hinawakan at binugbog ako sa loob… Nagmama-kaawa po ako, at binubugbog pa rin nila ako.”
Bago dumulog si Bonifacio Tibayan Baro sa tanggapan ng NBI, una nang nag-sumite si Michelle Dee ng reklamong paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code o ‘qualified theft’ laban sa driver at PA ni Rhian Ramos.
Nalaman o natuklasan kasi ni Michelle Dee na may kinuhang ‘Angpao’ si Baro sa condo unit nila ni Rhian na naglalaman ng mga ‘sensitive images’, ang misis raw mismo ng driver ang nagsumbong sa dalaga.
Inamin naman ni Baro na kinuha niya talaga ang Angpao dahil inakala niya na may laman itong pera.



