How true ang chika na hiwalay na si Rhian Ramos kay Sam Verzosa?
Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang nag-unfollow sa isa’t-isa ang magka-sintahan na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa sa IG?
Matagal na ang relasyon nina Rhian At Sam, taong 2021 ini-ulat na nagkaka-mabutihan na silang dalawa at noong 2022 naman ay kinumpirma na nila ang kanilang relasyon sa mismong GMA Gala Night 2022.
Noong June 2025 naman, ibinahagi ni Rhian na napag-uusapan na nilang dalawa ni Sam ang pagpapa-kasal.
Ani Rhian : “Yeah, we talk about it. We started off like joking about it or like when we watch TV, or when we see something wedding related, but now we just talk about it or it comes up in random moments.”
Hindi naman lingid sa marami na sa tuwing nag-uunfollow ang mga celebrity couples sa isa’t-isa ay naka-sanayan na natin na ito ay isa sa senyales na sila ay tuluyan nang naghiwalay.
Kung ating babalikan, natukoy ng Bilyonaryo News Channel ang sasakyan na nahagip sa larawan na may mga maletang pera na isiniwalat ni Zaldy Co kamakailan.

Nakumpirma ang conduction sticker na UOL960 ng naturang sports car na kasalukuyang nakapangalan sa Socali Trading na may address na naka-rehistro sa Quezon City kung saan nakatayo ang building ng ‘Frontrow’ ang networking company na nakapangalan kay Sam Verzosa.
Ayon naman sa mga netizens, tila umiwas lang si Rhian sa issue na kinakaharap ngayon ni Sam matapos itong madawit sa flood control scandal dahil sa pagka-hagip sa sports car nito na inilabas ni Zaldy Co.
Chika ng netizens : “ayaw madawit ni rhian hahaha safety mode na.”
“Napansin ko rin wla na cla post na, magkasama matagal na.”
“Baka nakapag isip na si metina [Rhian] sa mga pweding dawit ni SV sa corruption.”
Dagdag pa ng isa : “Tropa ni Romualdez yan so damay damay na yan. Kaya umiwas baka pati sya madamay.”





