Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio, kinasuhan ng driver.

Ano ang issue ngayon nina Rhian Ramos and Michelle Dee?

Usap-usapan ang issue nina Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio sa social media matapos silang kasuhan ng isang driver.

Hindi lingid sa marami na nagsampa ng kaso ang driver at PA o personal assistant na si Baro sa NBI o National Bureau of Investigation laban kina Rhian, Michelle at Samantha.

Sa naging salaysay ni Baro, paulit-ulit raw siyang sinaktan noong January 17 sa mismong loob ng condo ni Rhian sa Makati City.

Aniya : “Galing kami sa taping… Pag-uwi ko po ng alas tres ng madaling araw, kami ni [Rhian]… Pagbaba ko po ng gamit, bigla akong hinawakan at binugbog ako sa loob… Nagmama-kaawa po ako, at binubugbog pa rin nila ako.”

Kinabukasan naman ng January 18, dito na sinubukan ni Baro na tumalon mula sa 39th floor ng condo unit para wakasan na ang kanyang buhay, ngunit hindi siya nagtagumpay matapos raw siyang sumabit sa kable ng kuryente at bumagsak sa 25th floor ng gusali.

Agad raw siyang nag-tungo sa lobby ng condo unit ngunit hinarang siya ng mga body guard ni Rhian at agad na binalik sa 39th floor. Dito na raw dumating si Michelle Dee at sinimulan na siyang sinaktan.

Ani ng Driver : “Dumating yung [beauty queen], pinarusahan niya ako.. Hinubaran niya ako, binuhusan niya ako ng alcohol sa katawan, tapos insprayan niya ako. Natanong ko siya, ‘Ma’am, ano po gagawin natin?’ Sabi niya, ‘Maglaro tayo’.”

Pagpapatuloy pa niya : “Hinubad niya sa akin, wala akong damit… Inispreyan niya mata ko tapos ginanyan niya ng dalawang daliri niya… Hinawakan niya kamay ko, ipinasok niya sa dalawang.. Dito niya, saka dito. Tapos yung kamay ko idiniin sa leeg niya.”

Dagdag pa niya : “Ilang beses akong tumumba sa upuan, pero kahit anong makaawa ko wala na ako sa kanila. Tapos noong umalis si ma’am [Rhian] may pinuntahan siya, tuloy-tuloy pa rin akong binugbog ng mga bodyguard niya. Mga kasama ko sa trabaho yan sila, hindi po sila naawa sakin.”

Bago nagsampa ng kaso si Bonifacio Tibayan Baro sa NBI, una nang nag-sumite si Michelle Dee ng reklamong paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code o ‘qualified theft’ laban sa driver at PA ni Rhian Ramos.

Natuklasan kasi ng beauty queen na may kinuhang Angpao si Baro sa condo unit nila ni Rhian na naglalaman ng mga ‘sensitive images’, ang misis raw mismo ng driver ang nagsumbong kay Michelle.

Dito na kinumpronta ni Michelle si Baro at umamin na kinuha niya ang Angpao, ngunit napansin ng beauty queen na kulang ang mga ‘sensitive images’ na binalik ng driver.

Dito na siya humingi ng tulong sa mga body guards ni Rhian at agad na inaresto si Baro.

Sa pagka-aresto ni Baro, dito na siya nagsampa ng kaso laban kina Rhian, Michelle at Samantha sa tanggapan ng NBI.

Ayon naman sa abogado nina Rhian, Michelle at Sam : “Our clients have not yet received a copy of the complaint allegedly filed against them before the NBI. They will answer as soon as they received the copy of said complaint.”