Issue ni Fhukerat tungkol sa MRT, usap-usapan.

Ano na naman ang bagong issue ni Fhukerat tungkol sa MRT?
Tumaas ang kilay ng netizens sa content creator na si Fhukerat dahil sa isang viral statement tungkol sa issue ng vlogger sa MRT.
Kumalat kasi ang isang satire post tungkol kay Fhukerat na naglalaman ng isang fake statement na nagmula raw sa vlogger na pinaniwalaan naman agad ng mga netizens.
Dito na inulan ng pambabatikos at pangungutya si Fhukerat online dahil sa libo-libong shares at reacts ang nakuha ng naturang fake post.
Satire statement ni Fhukerat : “Sumakay ako isang beses sa MRT, sa Taft, hindi na mauulit. Ang daming tao, siksikan, nakakadiri. As in, naligo agad ako pag-uwi.”

Sa social media, madalas nagiging patok ang mga satire viral post dahil tumatama ito sa araw-araw na karanasan ng mga tao.
Minsan simpleng biro lang, minsan may halong pangungutya, pero kadalasan may pinupunto tungkol sa politika, lipunan, o ugali ng netizens.
Pero hindi rin maiiwasan na may mga nalilito, lalo na kapag hindi agad halata na satire lang ang post.
May naniniwala, may nagagalit, at may nakikisawsaw kahit hindi alam ang buong konteksto. Dito pumapasok ang paalala na maghinay-hinay muna bago mag-react o mag-share.
Hindi lahat ng nakakatawa ay dapat seryosohin, at hindi lahat ng seryoso ay totoo—kaya mahalaga pa rin ang konting pag-iisip bago makisabay sa ingay ng social media.
Samantala, ang komedyanteng si Wacky Kiray naman ang naging biktima o agad na naniwala sa satire post na ito tungkol kay Fhukerat. Agad siyang naglabas ng pahayag gamit ang social media.
Ani Wacky : “ha! totoo ba to? girl kung totoo to!bakla ka! alam mo ba yung mga nag siksikan s MRT sila yung mga masisipag at na nag tra trabaho para kumita ng pera nag MRT para maka tipid at mabilis makarating sa kanilang mga trabaho.”
Dagdag pa ng komedyante : “MRT uli pag uwi para makapiling ang kanilang mahal sa buhay kahit sa maikling oras lasi gigising uli ng maaga para mag trabaho! kung na babahuan ka at ng didiri! mag grab ka mag taxi ka! ang arte mo!!ehhh mukha ka naman tatay!!!!”







