Bong Revilla, sumuko matapos ilabas ang warrant of arrest.

Kusang nag-surrender si Bong Revilla Jr. matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest.

Sumuko si Bong Revilla Jr. matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest kaugnay sa kasong isinampa sa kanya na non-bailable malversation.

Ang malversation of public funds ay nasa ilalim ng Article 217 of the Revised Penal Code, na kung saan nagiging ‘non-bailable’ ito kung ang ninakaw ng isang corrupt politician ay lumagpas na sa halagang ₱8.8 million.

Kaugnay ito sa kasong isinampa kay Revilla dahil sa ma-anomalyang flood control project ng DPWH o Department of Public Works and Highways.

January 19, around 10pm ng gabi, kusang sumuko si Revilla matapos ilabas ng Sandiganbayan third division ang kanyang warrant sabay na naghain ng hold departure order para sa dating senador.

Sa kanyang pagsuko, binigyang diin ng ex-senador kung bakit agad na inilabas ang kanyang warrant kahit walang maayos na due process sa kanyang kaso.

Ani Bong : “Nakatanggap po kami ng impormasyon na lumabas na ang aking warrant of arrest. Nakakalungkot po parang wala yatang due process. Pero gayunpaman, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito.”

Dagdag pa niya : “Humihingi ako ng panalangin. Patatagin niya rin po ang aking pamilya. Hindi ko po maipaliwanag ang nararamdaman ko sa totoo lang. Napakasakit po para sa akin at para sa aking pamilya.”

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa Kampo Krame si Bong Revilla.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa pagsuko ni Revilla, mukhang hindi na raw nito pinahirapan ang mga awtoridad sa pagdakip sa kanya.

Ani ng netizens : “Yan ba yung tinatawag na History repeats itself? Kaya mo yan Sir, makapal naman mukha mo.”

“Makakalaya uli yan pag si Sarah Duterte ang nanalo sa susunod na election para sa pangulo… Pera pera lang yan, mukhang pera kasi mga Duterte. 125milyon gone in just 11 days…”

Dagdag pa ng isa : “Hindi na kasi nagtanda. kung nakulong na dati dapat naging mas maingat ma siya sa mga possible scenario na pwed niyang ikapahamak lalo na sa mga kaban ng bayan. Dapat niya gayahin si Lito Lapid walang imik lang pero walang kurapsyon.”