Ivana Alawi, hinigop ni Joshua Garcia sa eksena.

Hinigop raw ng buo si Ivana Alawi ni Joshua Garcia sa isang kissing scene.

Ibinahagi ni Ivana Alawi sa isang interview na hinigop siya ni Joshua Garcia sa isang kissing scene nila sa seryeng Love is Never Gone.

Ang serye nilang Love is Never Gone ay kinunan sa bansang Morocco na itinakdang ipalabas ngayong taon, ito rin ang kauna-unahang Filipino series na nabuo matapos kunan ang mga eksena sa isang North African country.

Chika pa ni Ivana, may huling eksena raw sila ng kanyang on-screen partner na si Joshua na tinawag niyang “grabe” dahil napatunayan niya talaga ang pagiging ‘higop king’ ng aktor.

Pagbabahagi ni Ivana : “Nako, yung last scene namin grabe pala siya, Oo, higop king! Ganun, grabe.. ‘Yun yung last scene talaga namin. Hindi ko alam kaya nga sinabi ko sa kanya, ‘grabe ka naman’.. Syempre, crush ko yun no, pero professional pa rin.”

Chika ng netizens : “I told u Yon sa Darna nga grabi hinigop nya rin hahaha kissing scene nila JANELA.”

“Jackpot si Joshua… pero dahil rami nagkakacrush sa kanya, jackpot din mga gurls.”

Dagdag pa ng isa : “Sus hahaha iakw banaman maging ivana??hahaha chansa na haha.”

Samantala, ibinahagi ni Ivana sa vlog ni Ms. Karen Davila noong 29th birthday niya na pangarap niya rin na magkaroon ng sariling pamilya. Chika pa ng aktres-vlogger na gustong-gusto niya na magkaroon ng maraming mga anak.

Pagbabahagi ni Ivana : “Siguro I want my own family soon. A loving husband, a faithful husband and a big family. Gusto ko maraming anak.”

Say pa ni Ivana na ang hanap niya talaga sa isang lalaki o sa kanyang future husband ay ang ugaling mapag-mahal at hindi mayabang.

Ani Ivana : “Importante po sa akin ay loyal and humble. Sobra ‘yun talaga. ‘Yun kasi ang turn off kapag mayabang ang lalaki. And [dapat] mapag-mahal sa pamilya. Kasi ilang beses na akong naloko.”