Gunman, arestado matapos binaril ang tindera habang naka live.

Sa wakas ay nahuli na ang suspek, binaril niya kasi ang tindera habang naka-Facebook live sa Taytay, Rizal.

Arestado ang tinuturong suspek dahil binaril niya ang tindera ng gulay na si Paloma Jovillanos 23, habang naka Facebook live.

Habang naka-Facebook live si Paloma noong January 16 ng gabi, may lalaki sa kanyang likuran ang lumapit at bigla siyang binaril. Gamit ng suspek ang isang kalibre .45 na baril.

Ayon sa mga ulat, kasalukuyang nasa Pasig City General Hospital ang biktima matapos madaplisan ng bala ang kanyang ulo. Siya ngayon ay nagpapa-galing at nasa ligtas na ang kanyang kalagayan.

Si Paloma ay isang tindera ng gulay sa Blk. 4, Purok 4, Kenneth Road sa Barangay Sta. Ana, Taytay Rizal, sa mismong tindahan rin ng kanyang gulayan nangyari ang pamamaril sa kanya.

Ayon sa resulta ng imbestigasyon, ang motibo raw kung bakit nagawa ng suspek ang krimen sa biktima ay dahil sa inggit at galit.

Ani ng Taytay Municipal Police Station : “Ang motibo nito ay parang inggit at galit na rin. Base sa impormasyon ng dating kinakasama, nagkaroon si suspek ng mga relasyon kung saan itong biktima ang taga-sumbong sa ate niya.”

Ayon sa katrabaho ng biktima na si Sam Reloquio, nagulat na lang siya matapos niyang marinig ang isang putok ng baril. Nakita na lang nila na naka-handusay na si Paloma sa kalsada.

Aniya : “Narinig ko ‘yong pumutok. Akala ko gulong lang na pumutok. Nagtakbuhan na kami dito tapos nakabulagta na si ate. Mabait po ‘yon. Palabiro.”

January 17 ng umaga, agad na nagsa-gawa ng isang hot pursuit operation ang mga kapulisan at nahuli o nadakip na ang suspek na si Freddie Pagal sa Angono, Rizal, siya ay 31 years old.

Siya ay nahaharap sa kasong frustrated murder at nasa kustodiya na ng Taytay Police Station. Depensa pa ng suspek na noong oras na binaril ang biktima ay nasa Angono Rizal raw siya at hindi niya magagawang barilin raw si Paloma.

Ani Freddie : “Anak ko na po ‘yon. Tinuring ko na pong anak ‘yon. Nasa Angono po ako niyan. Matagal na po akong hindi umuuwi doon. May magpapatunay na nasa bahay po ako.”