Menu
John Lloyd Cruz at Isabel Santos, hiwalay na?

Hiwalay na raw sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos matapos mag-unfollow sila sa isa’t-isa sa Instagram?
Usap-usapan sa social media ang tungkol sa break up ni John Lloyd Cruz sa kanyang girlfriend na si Isabel Santos.
Hula ng mga netizens na mukhang tuluyan nang naghiwalay ang dalawa, matapos mapansin ng mga online marites na hindi na nila sinusu-baybayan ang Instagram accounts ng isa’t-isa.
Caption pa sa Reddit : “JLC, Isabel Santos unfollow each other on IG.”
Hindi lingid sa marami na sa tuwing may mga sikat na personalidad o celebrities ang nag-uunfollow sa isa’t-isa online ay tila pahiwatig na ito ng kanilang hiwalayan o break up.
May mga netizens naman ang nagsasabing baka raw hindi nagustuhan ni Isabel ang drinking habits ni John Lloyd kaya tuluyan nang na-uwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Chika pa ng netizen : “Sobra kasi si JLC sa inom. Reason iyan pag nahihiwalay, kay Rufa G, Ellen A…”
“Naku iiwanan talaga yan c jl kahit na sinong babae pa na matino walang tatagal lasingero, sabi nga ni ellen biogesic.”
Dagdag pa ng isa : “Kung babalik ka kay Ellen wag kna iinom baka ipakulong kna ni Ellen hahahaha.”
Kung ating babalikan na taong 2021 nagsimula ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos, ito ay kinumpirma mismo ng aktor sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk noong October 2023.
Pag-amin pa ni John Lloyd : “Si Isabel [Santos] ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagla-labas ng opisyal na pahayag si John Lloyd o maging si Isabel tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


