Robi Domingo says issue with John Lloyd Cruz has been resolved

Ibinahagi ng tv host na si Robi Domingo na matagal nang naayos ang issue niya sa pagitan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.
Ogie Diaz previously shared details of the alleged wedding incident
Kung ating babalikan, ito ay ibinalita ng talent manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa naging sigawan, sagutan nina Robi at John Lloyd sa mismong kasal ng kanilang kaibigan na si Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong December, 2025.
Nagbitaw raw kasi ng isang joke si Robi sa bagong kasal habang ito ay nagho-host na hindi nagustuhan ni John Lloyd.
Ani Ogie : “So habang nagho-host si Robi ay nasambit niya kay Ria na, ‘how does it feel do be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘how does if feel to be Mr. Atayde?’”
Pagpapatuloy ni Ogie : “So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo do’n sa may bar, eh, biglang um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at ‘yung tagpo na ‘yun na paglapit ni John Lloyd, eh biglang napalakas ‘yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita.”
“Sabi raw ni John Lloyd [kay Robi], ‘mali ‘yung sinabi mo! in-appropriate ‘yung sinabi mo okay ba ‘yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde [si Zanjoe].”
Tanong raw ni Robi : “May isyu ba tayo?”
Sagot raw ni John Lloyd : “Bakit ano gusto mo mangyari?!”.
Ria Atayde says the incident did not disrupt her Wedding
Naitanong naman kay Ria ang tungkol sa issue nina Robi at John Lloyd, nilinaw nito na ano man ang nangyari sa kanilang dalawa ay naging maganda ang gabi ng kaniyang kasal at hindi ito naka-apekto.
Ani Ria : “If something happened between them, they kept it away from me. It wasn’t something that disrupted the event or anything, it went very smoothly. It was a beautiful night.”
Robi Domingo confirms issue with John Lloyd Cruz is resolved
Sa naging panayam naman ni Robi sa Fast Talk With Boy Abunda noong October 20, inamin nito na ano man ang naging issue niya kay John Lloyd ay matagal nang naayos.
Ani Robi : “I guess it just happened on a whim. But in a nutshell, what I want to say is it’s done. I appreciate kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos at doon sa circle of friends namin. Okay na.. all is well.”
