Will Ashley at Mika Salamanca, nag-date sa Hong Kong?

How true ang chika na may relasyon sina Will Ashley at Mika Salamanca?
Viral sa Reddit kung ano ang tunay na namamagitan kina Will Ashley at Mika Salamanca matapos kumalat ang mga pictures nila mula sa Hong Kong.
Caption pa ng netizen : “Will Ashley & Mika Salamanca in HK… Saw this posted here but was quickly deleted..”
Sa mga naturang larawan, mapapansin ang sweetness nina Will at Mika, chika pa ng mga fans na baka raw ay sila talaga ang tunay na magka-relasyon o mag-jowa.

Ani ng netizen : “Mukhang sila naman talaga ang mag jowa. Tsaka same sila ata ng mga trip. Bagay naman.”
Dagdag pa ng isa : “Yun lang may Willca at Mikbrent, walang katapusan na fandom war itu. HAHAHAH gulo gulo sa showbiz patibayan nalang talaga.”
Kung ating babalikan, inamin ni Will Ashley na si Mika Salamanca talaga ang kanyang ‘ultimate crush’ sa isang lie detector vlog na kinunan pagkatapos nilang lumabas ng bahay ni kuya o PBB house.
Komento pa ng netizen sa naturang vlog : “Halatang halata kaya dun sa gc nila sa IG, panay post sya ng selfie nila ni mika, picture ni mika, video ni mika.”
Dagdag pa ng isa : “Pansin ko din sa ig post ni mika hindi naglilike si will pagkasama sa post si brent haha.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw ang kani-kanilang mga ka love teams ay for showbiz lang talaga, pero pagdating sa kanilang personal lives ay mas gusto nila ang isa’t-isa.
Naitanong rin ng kanilang mga fans na baka raw ay no more ‘MikBrent’ at ‘WillCa’ na talaga.
Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng kani-kanilang mga opisyal na statements sina Will at Mika tungkol sa mga larawan na kuha mula sa Hong Kong vacation nila na kumalat sa Reddit.







