Janine Berdin, pumalag matapos hanapin ang kanyang old face.

Nag-rant ang singer na si Janine Berdin tungkol sa mga netizens na nagulat at patuloy na hinahanap ang kanyang old face o look before.

Sa kanyang social media, sinagot ng singer ang mga komento tungkol sa kanyang new look dahil anila na hindi na umano makita ang dati niyang face.

Panimula ni Janine : “Pa-rant BAHAHA: Andaming tao sa comments ko na “WALA NG TRACE NG JANINE SA MUKA NYA” behhh I was around 15 years old when you saw me on TV. 16 years old ako nung nanalo ako sa TNT, 8 years ago yun. I’m 23 now bro.”

Aminado naman ang dalaga na pinagawa niya talaga ang kanyang ilong dahil trip niya lang at afford niya naman na magpa-enhance ng mukha.

Pagpapatuloy niya : “Ilong lang pinaayos ko pre kasi trip at afford ko bakit ba. Tska pri makeup yan pri turuan ko nalang kayo magmakeup pri para di na kayo mainggit pri.”

Isa sa komento na sinagot ni Janine ay ang mga netizens na nagsasabing magkaka-mukha na raw silang lahat dahil sa pare-pareho lang raw ang kanilang doktor sa pagpapa-retoke.

Sagot ng singer : “Magkakamukha na raw kami lahat pero huhuhu sila rin naman magkakamukha – mga weirdo usually mga questionable talaga yung mga itsura ng mga nambabash huhuhu, No secure, happy and BEAUTIFUL person has the time to spread hate. So you guys are really just telling on yourselves blehhhh.”

Pagpapatuloy pa niya : “but all love to the people who see me for who I am, I’m really just here for the music Lol. But so what if you want to color your hair orange, decide to switch up your style, or wear a frickin wig bro? Like honestly no one should care. Do shit for yourself cuz this life is yours – the coffin only has space for one.”

Dagdag niya : “Be so obsessed with taking care of yourself and you’ll also grow for the better. Baka kase napabayaan nyo na sarili nyo kaya magkaiba tayo ng evolution pri…………………..Wag agalet. You’ve changed.” Isn’t that the point of not being 16 anymore?”

Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng suporta kay Janine, anila na kung saan masaya ang dalaga ay susuportahan nila ito.

Chika ng netizen : “KAHIT ANO KA PA KAHIT ANO PA IPAAYOS MO JAN SA MUKHA MO , MAHAL KA PARIN NAMIN, TANGGAP KA PARIN NAMIN NG BUO. WAG MO SILA PANSININ!”

Ani ng isa : “Honestly when I first saw the latest Janine,, talagang nasabi ko rin na “hala parang di naman ito si Janine. Grabe ang transformation, wala na talagang trace ng old Janine.” But i don’t think na i’ve made such comment kasi inggit ako or basher ako. It’ s really the truth.”

Dagdag pa niya : “So , can we not just regard it as an honest opinion – not to bash, just an honest comment para walang gulo. Sana we all will boil down to idol natin siya kasi magaling siya. Keep going Janine!”