Missing Bride na si Sherra de Juan, natagpuan na.

May bagong update sa Missing Bride na si Sherra de Juan.

Sa wakas ay nakita na ang Missing Bride na si Sherra de Juan sa Ilocos region, sa bagong update, siya ay pauwi na sa kanyang pamilya.

Ayon sa QCPD o Quezon City Police District, susunduin na nila ang bride-to-be na si Sherra matapos itong mawala ng ilang linggo bago ang kanyang kasal.

Kung ating babalikan ay naniniwala ang QCPD na buhay pa ang missing bride at nanawagan sila na sana ay makipag-ugnayan na ito sa kanila.

Si Sherra ay nawala simula noong December 10, apat na araw bago ang kaniyang kasal na sana ay noong December 14 pa.

Ngayong araw December 29, tuluyan nang natagpuan at nahanap ang lokasyon ni Sherra, ang good news ay nasa mabuti itong kalagayan at hindi napahamak.

Pagbabahagi ng QCPD : “The personnel of QCPD PS 5 (Police Station 5 of Fairview), together with Sherra’s family, are on their way to safely and properly fetch her from her location.”

Dagdag nila : “More or less, it is a three-hour trip. She is expected to arrive here in Manila around 5 p.m. this afternoon.”

Missing Bride Sherra de Juan finally found in Ilocos region
Sherra de Juan (The Missing Bride)

Kung ating babalikan, ibinahagi ng pinoy psychic na si Jay Costura na buhay pa talaga si Sherra matapos niya itong hulaan gamit ang kanyang mga baraha.

Hula ni Jay Costura : “Kung mapapansin mo, number three of hearts. Third party issue. So. ito ang ipipilit sa ‘yo ng mga ibang tao. Pero kung mapapansin mo, ace of flowers. She’s still travelling right now.”

Dagdag ni Costura : “She’s fine. Babalik siya. She’s alive. So may tumutulong sa kaniyang babae ngayon. So, malinaw ang pinakita sa akin ng baraha na nahirapan siyang mag-desisyon. Pinakita sa akin ng baraha kanina na nagtatalo ang isip at puso niya.”