Angelica Yulo, inasar si Chloe San Jose at Carlos.

May nakaka-aliw na banat si Angelica, ang ina ni Carlos para sa nalalapit na kasal ng kanyang anak kay Chloe San Jose.

Kung ating babalikan, inamin ni Carlos at Chloe sa isang panayam kay Karen Davila na hindi invited ang kanilang mga magulang sa kanilang wedding.

Mas gugustuhin raw ni Carlos ang tahimik at masayang kasal, aniya : “Ayaw ko ‘yun mamantsahan pa, and madami na din silang ginawa na pinatawad ko na. And hanggang du’n na lang din po.”

Sa Facebook account naman ni Angelica, tila may banat siya na isang AI generated video habang sila ay nasa harap ng simbahan at mukhang dadalo sa isang kasalan.

Suot ni Angelica ang isang red gown habang sa ama naman ni Carlos ay isang red na barong.

Caption pa ni Angelica : “Bakit parang Di naman ako to. Prof Rj Noisap pinagtripan mo na Naman Kami In fairness si Mark Andrew Yulo kuhang Kuha ang mukha ahaha.”

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa ibinahagi ni Angelica online na tila patama niya para sa nalalapit na kasal nina Carlos at Chloe.

Ani ng netizen : “Asar talo chloe Nyan post plang ng kaibigan mo na Red dress apektado na.”

“HAHAHAHA HAYAAN MO NA YUNG BRIDE OF CHUCKIE MAAM Angelica Poquiz Yulo KASI NAGPAPAPANSIN NANAMAN KASI YUN. LOL”

Dagdag pa ng isa : “Ung BRIDE na laging HUBADERA mukha tuloy GRO sa Malate very CHEAP na maging manugang.”

Share this article :