Driver ni Catalina Cabral, sasailalim sa lie detector test.

Sasailalim sa isang lie detector test ang driver ni Catalina Cabral na si Ricardo Hernandez.

Ayon sa NBI, patuloy parin ang imbestigasyon sa pagpanaw ni Catalina Cabral, isang lie detector test naman ang gagawin sa kanyang driver.

Si Ma. Catalina “Cathy” Cabral ay ang former DPWH o Department of Public Works and Highways Undersecretary na bumaba sa kanyang pwesto matapos masangkot ang kanyang pangalan sa nakakakilabot na flood control scandal.

Nagulat ang mga netizens matapos lumabas ang balita na pumanaw na si Catalina noong December 18 ng hating gabi matapos diumano itong mahulog sa bangin ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Bago mahulog si Catalina sa bangin, kasa-kasama nito ang kanyang personal driver na si Ricardo Hernandez, ayon sa kanyang personal driver, hindi niya umano inakala na magagawa ng kanyang amo na tumalon sa bangin dahil wala raw itong naikwento sa kanya na pinagdadaanang problema.

Ani Ricardo : “Di ko naman po alam na ganoon ang mangyayari. Wala naman po siyang kinukwento sa akin na kung mayroon siyang problema. Wala naman po siyang kinukwento sa akin.”

Dagdag nito : “Pagdating po dito ng alas-tres, bumaba po siya, nagpa-iwan sa akin. Bago po naman iwan, naka-upo po siya sa may bato ta’s sabi n’ya balikan ko na lang siya. Pagbalik ko po siguro one hour, binalikan ko po wala na dito.”

Sa pahayag ng NBI spokesperson na si Atty. Palmer Mallari, ibinahagi niya na kung sakali raw na hindi pa kumbinsido ang mga imbestigador sa kaso ni Catalina, maaari silang mag-request ng isang polygraph examination o lie detector test sa driver na si Ricardo.

Aniya : “In the event that the investigators are not yet convinced on the statements being offered by a witness, malamang pwedeng maipatawag para may request for polygraph examination.”

Dagdag nito : “Pero kung halimbawa naman ang mga imbestigador ay kumbinsido na sa mga nakita nilang ebidensya at ito’y nagtutugma doon sa statements na ino-offer naman ng particular na witness, malamang wala nang need for a polygraph examination.”