Lella Ford at Josh Ford, mag-ex?

Lella Ford and Josh Ford : relationship
Lella Ford and Josh Ford

How true kaya ang chismis na naging mag-dyowa sina Lella 19, at Josh Ford, 22?

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa naging relasyon ng anak ni Karla Estrada na si Lella Ford kay Josh Ford.

Si Lella ay kasalukuyang nasa loob ng bahay ni kuya para sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 habang si Josh naman ay dating PBB housemate sa first ever season collab ng Kapamilya at Kapuso.

Marami sa mga netizens ang napatanong kung magkaano-ano ba talaga sina Lella at Josh dahil pareho silang Ford? May mga chika na lumalabas na hindi sila mag-pinsan pero mag-ex raw sila?

Nag-umpisa ang mga haka-haka matapos magbahagi si Lella sa kanyang kapwa housemate na si Carmelle Collado tungkol sa naging ex-boyfriend niya.

Chika ni Lella : “Ano lang, I had one [boyfriend]. Legal naman kami both sides. Alam din ng family ko, Pero one lang ever.”

Pagpapatuloy pa ni Lella : “Basta long-term but ‘yun na ‘yun… Hindi naman baby, I was [at the] right age… years rin ‘yun.”

Dito na naalala ng mga netizens ang ibinahagi ni Josh noon habang nasa loob pa siya ng PBB house na ang kanyang ex girlfriend raw ay mula sa mga angkan na kilala sa mundo ng showbiz. Si Lella kaya ang tinutukoy ni Josh?

Say ng netizen : “yup, they were together, ppl thought magpinsan kasi pareho ford pero nope. lella’s is american ford, then kay josh british. josh also mentioned early days ng pbb na he had a girl before pbb (fresh break up) who came from a well-known showbiz family.”

Kaya ang itinuturo ng mga netizens na ang ex-boyfriend na ito ni Lella ay si Josh. Kasabay kasi sa mga haka-haka ng mga marites ay lumabas rin ang mga old pictures nila together na magkasama sa ibang bansa at sa mga events.

Komento pa ng netizen : “hindi sila related by blood. sadyang same surname lang sila, if ever magkatuluyan, Carmella ford-ford.”

“normal may mga picture silang ganyan dahil mag pinsan sila may mga event at vacation ang family nila na magkakasama sila.”

“Josh ford & Carmella ford, Daniel Estrada Padilla & Kaila estrada” dagdag pa ng isa.

Sa ngayon habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Josh Ford tungkol sa tunay na-real score nila ni Lella na nasa loob pa ngayon ng PBB house.