Paraiba ring ni Heart Evangelista, bakit na-afford ni Chiz Escudero?

Heart Evangelista paraiba ring from Senator Chiz Escudero
Chiz Escudero and Heart Evangelista

Bakit Parang-iba ang SALN ni Chiz Escudero para ma-afford nito ang Paraiba ring ni Heart Evangelista?

Hindi nagtugma ang idineklarang SALN ni Sen. Chiz Escudero matapos niyang regaluhan si Heart Evangelista ng Paraiba tourmaline ring.

Kung ating babalikan, tuwang-tuwa si Heart Evangelista matapos itong regaluhan ni Sen. Chiz Escudero ng isang singsing sa kanyang 39th birthday noong Feb. 14, 2024.

Heart Evangelista’s Paraiba ring has everyone talking
Heart Evangelista’s Paraiba tourmaline ring

Ayon sa mga netizens, ang singsing na ito ay ang ‘Paraiba tourmaline ring’ na may estimated 5-6 carats at nagkakahalaga ng $1 million o PHP58,693,000.

Tila tumaas naman ang kilay ng mga tax payers matapos hindi nagtugma ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ni Sen. Chiz sa ginastos niya noong 2024 para lang sa isang singsing ni Heart.

Ang declared SALN kasi ng senador ay nagkakahalaga lang ng P18.8 million with zero liabilities as of Dec. 31, 2024.

Chika ng mga netizens na tila 3 times higher ang presyo ng singsing na ito ni Heart sa declared net worth ni Sen. Chiz taong 2024.

May mga jewelry experts naman ang nagsasabi na ang singsing raw na ito ni Heart ay nagkakahalaga lang ng mahigit P1 million, masyado umanong overpriced ang pag-estimate ng mga netizens sa presyo ng naturang singsing.

Pero sigaw ng mga tax payers na ilabas ng senador ang resibo para malaman ang tunay na presyo ng singsing na regalo niya kay Heart Evangelista.

Say ng netizen : “Malalaman lang ang tunay na presyo niyan kung ilabas ang resibo, kung saan binili para naman matahimik na kami na nagbabayd ng taxes at nagpapasahod sa asawa ni heart.”

“Ibenta mo na Yan at ibigay sa mga nagugutom…maiistock lang Yan…maawa kayo sa mga kababayan nyo.”

“Sahod ng senador Nd kayang bumili ng milyong halaga ng alahas.”

“Nag enjoy tlaga cla paglimas sa kaban ng bayan pero todo padin deny masarap kc gumastos pag hindi mo pinaghirapan.”

“Alam na this, kung saan galing ang ipinambili ng singsing ni CHIZ MAGNANAKAW hahahahaha.” dagdag pa ng isa.

Samantala, inakusahan naman si Heart ng mga netizens na bumibili ng Instagram followers dahil maraming nag-unfollow sa kanya matapos masangkot ang asawa nitong si Chiz sa flood control scandal.

Habang sinusulat namin ang balitang, hindi pa naglalabas ng pahayag sina Heart at Chiz tungkol sa tunay na presyo ng Paraiba tourmaline ring na gumagawa ng ingay ngayon online.