Vice Ganda, sinupalpal si Heart Evangelista.

Vice Ganda throws shade to Heart Evangelista
Vice Ganda and Heart Evangelista

Tila may pasaring si Vice Ganda kay Heart Evangelista sa It’s Showtime, anyare?

Viral at usap-usapan online matapos tinawag na bulok ng komedyanteng si Vice Ganda ang isang paaralan sa probinsya ni Heart Evangelista.

Hindi lingid sa marami na talagang likas na matulungin si Vice lalo na kung ang usapin ay tungkol sa akademya, naniniwala kasi ang komedyante na malaking bagay sa isang tao ang makapag-tapos ng kanyang pag-aaral.

Kung tutuusin, maraming scholars si Vice na pinapa-aral sa kasalukuyan, hindi na rin mabilang sa kanila ang nakapagtapos at gumanda na ang mga buhay.

Hindi man pormal na ‘scholarships foundation’ ang itinayo ng komedyante pero siya ang nagbabayad ng tuition fees at expenses ng mga pinapa-aral niya.

Kaya nanlumo at nasaktan si Vice Ganda matapos niyang makita ang kalagayan ng isang paaralan sa probinsya ni Heart Evangelista sa Sorsogon, paano kasi matututo ang mga estudyante kung walang reading materials ang naturang school.

Kaya kung matutuloy ang pagtakbo ni Vice Ganda bilang presidente ng ating bansa sa 2028, tila isa ang edukasyon sa kanyang bibigyan ng pansin.

Sa segment ng It’s Showtime na ‘Laro Laro Pick’, dito na napag-usapan ni Vice at ng isang contestant ang tungkol sa mga kabataan na hindi nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Chika ni Vice : “Iyan yung riyalidad sa lipunan natin [ngayon] na dapat ay talakayin ng pamahalaan. Kung paano natin maibabalik ang mga mag-aaral sa silid-paaralan. Kung paano mailalayo ang mga kabataan sa kalsada, sa kapahamakan, at mababalik sa paaralan.

“Paano natin matutulungan ang mga magulang na maibalik ang kanilang anak sa paaralan? Nang sa ganoon, magkaroon ng sapat na edukasyon ang kabataan.” panimula ni Vice.

Dito na ibinahagi ni Vice na maraming kabataan ang nag-aaral sa iba’t-ibang sulok ng bansa na walang maayos na mga classrooms.

Say ni Vice : “Maraming mga rehiyon, mga regions, na walang classroom ang mga bata. Nakaupo sila sa lapag. Wala silang classrooms.”

Pagpapatuloy ni Vice : “May pinuntahan na akong lugar doon sa probinsiya nila Heart Evangelista. Isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko yung eskuwelahan at nagpadala ako ng tulong doon kasi walang reading materials,

“Bulok yung paaralan doon sa lugar nila Heart Evangelista. I cried so much when I saw that school.” dagdag ni Vice.

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Heart Evangelista tungkol sa naging pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime.