Mika Salamanca, nag-paalam na sa kanyang mga tattoo.

Mika Salamanca tattoo removal
Mika Salamanca

Sumailalim na sa tattoo removal si Mika Salamanca.

Ibinahagi ng first PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca na ipapabura na niya ang iilan sa kanyang mga tattoo.

Matapos tanghalin si Mika together with her duo na si Brent Manalo as PBB Big winner ay tila wala nang nakakapigil sa kanyang pagsikat, sunod-sunod na mga endorsements, projects at mga guesting commitments ang ini-enjoy ngayon ng dalaga.

Sina Mika Salamanca at Brent Manalo ay mas kilala bilang PBB duo na ‘BreKa’.

Sa isang Tiktok video, ipinakita ni Mika kung paano ang removal process ng kanyang tattoos sa clinic ni Dr. Aivee Teo, ginamitan ito ng lasers at ayon pa sa dalaga na mas masakit ang bandang daliri sa proseso ng pagtanggal sa mga tattoo niya.

Chika ni Mika : “Ang pinakamasakit na part ay ‘yung sa finger [ko]. Ito [sa braso] hindi siya masakit at all.”

Ilan ang mga tattoo ni Mika Salamanca sa katawan niya?

Sa kasalukuyan, bago paman nagdesisyon si Mika na magpa-tattoo removal ay mayroon siyang 21 tattoos sa kanyang katawan.

Ang mga tattoos na ito ng dalaga ay may mga ‘deep meanings’ gaya na lamang ng nature, anime at personal qoutes. Isa sa mga paborito ni Mika bilang isang ‘Swiftie’ o fan ni Taylor Swift ay ang ‘fear less’ tatoo niya na nagmula sa 2021 album ng singer na ‘fearless’.

Mika Salamanca, nahirapan na ipabura ang mga tattoo.

Aminado si Mika na sa tuwing mayroon siyang taping, endorsement shoots at guesting ay madalas na tinatakpan ang kanyang mga visible tattoos, kaya mahirap para sa kanya na ipabura ang mga ito dahil lahat sila umano ay may meanings.

Pagbabahagi ni Mika : “This is hard for me ’cause I love my tattoos and all of them [have] meanings.

“Before ko [talaga] silang ipalagay, talagang pinag-iisipan ko. Pero nag-decide akong ipa-remove some of my tattoos kasi kailangan ko for acting.” panimula ni Mika.

Chika pa ni Mika na simula bata pa siya ay pangarap na niya talaga na magpa-tattoo, pero sa ngayon ay stop muna dahil sa showbiz career na kanyang tinatahak.

Wika ni Mika : “Kahit noong bata pa ako, I really love tattoos, so I don’t think titigil ako ever na magpa-tattoo. It’s just that siguro pause lang muna sa ngayon,

“I think in the future kapag nag-decide na lang ako na mag-focus sa music, but for now, removal na muna.” dagdag ni Mika.

Samantala, tuluyan nang naka-unfollow at tinapos na ni Mika ang pagkakaibigan nila ni Kitty Duterte, isa kasi ang dalaga sa mga bumuboses na mga celebrities ngayon tungkol sa nakakatakot na anomalya sa flood control projects at sa malalang korapsyon ng mga politiko sa ating bansa.

Hindi lingid sa marami na bago paman maging opisyal na PBB housemate si Mika ay tunay na malapit na ito sa mga Duterte, lalong-lalo na kay Veronica ‘Kitty’ Duterte ang bunsong anak ng dating pangulo.

Ngunit kamakailan lang ay tila nabahiran ng pagiging ‘two faced’ diumano si Mika sa social media tungkol sa ipinaglalaban nito kontra sa korapsyon kung gayon ay bakit malalapit siya sa mga ‘nepo babies’ lalong-lalo na kay Kitty Duterte.