To the next level na talaga ang issue nina Chie Filomeno at Sofia Andres, ano kaya ang dahilan?
Usap-usapan ngayon online ang tungkol sa mga resibo na inilabas ni Chie Filomeno laban sa aktres na si Sofia Andres.
Paano nagsimula ang Chie Filomeno vs Sofia Andres issue?
Nagsimula ang lahat ng mga issue sa pagitan nilang dalawa matapos ma-link si Chie Filomeno sa businessman na si Matthew Lhuillier, kamag-anak ni Daniel Miranda ang longtime partner ni Sofia Andres.
Isa rin si Xian Gaza ang nagbulgar nito sa social media, tila ito rin raw ang dahilan kung bakit diumano pinalayas ni Jake Cuenca si Chie sa kanyang condo.
Say ni Xian Gaza : “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna huwag na lang sana makakalabas. Salamat.”

Lumabas rin ang mga chika na hindi umano tanggap ng Lhuillier family si Chie dahil nagawa nilang pa-imbestigahan o ipa-background check ang dalaga sa pamamagitan ng mga info’s o alam ni Sofia.
Ngayon buwan naman ay naglabas ng isang cryptic post si Sofia Andres na ayon sa mga netizens ay tila patama niya kay Chie Filomeno.
Ani Sofia : “Sad how some people copy you, chase your circle, and use you for clout.”
Kasunod nito ay agad rin na naglabas si Chie Filomeno ng kanyang cryptic post. Napansin kasi ng dalaga na tila maraming dummy accounts ang inaatake siya sa comment sections ng mga posts niya.
Ani Chie : “This time I’ll make patol. I will not allow anyone to belittle me especially the people close to my heart. I’ve seen how some hide behind dummy accounts, private profiles, or worse—create new ones just to hurt others. That’s not right. Not right at all. Tigilan niyo na, please.”
Kumalat naman online ang tungkol sa pag-unfollow diumano ni Chie kay Sofia sa Instagram, agad naman nilinaw ito ni Filomeno noong Oct. 10 matapos isang netizen ang nag-tagged kay Andres sa comment section.
Komento ng netizen : “@iamsofiaandres, may sinasabe oh.”
Sagot naman ni Chie : “Hindi niya [ito] makikita kasi blinock niya ako and I didn’t unfollow her,”

Chie, naglabas ng mga screenshots laban kay Sofia Andres.
Kaya pala tila maraming bashers sa lahat ng mga posts ni Chie Filomeno dahil binabayaran diumano ni Sofia Andres ang mga ito.
Naglabas ng mga screenshots si Chie bilang patunay na may ginagawang hindi maganda si Sofia laban sa kanya.
Sa naturang screenshots, makikitang may isang concerned citizen ang nag-private message kay Chie tungkol sa mga binabayaran diumano ni Sofia na mga influencers para siraan ang dalaga online.
Mensahe nito kay Chie : “Chie, message me on viber. I will send you screenshots of Sofia reaching out to influencers like me to spread hate on you sa Tiktok and other platforms.”
Caption naman ni Chie sa screenshot : “Truly heartbreaking, I know she’s evil but didn’t expect her to go this low. l am not surprised anymore tho. But I hope and pray that the things you are doing to me now, your daughter will never experience,
“I really wish she does not feel this kind of pain. Because I will never ever do something like this, I do not want my future child to be treated the way you treat people. I was gonna let karma do its job – nope I am your karma. You post and act differently online but say and do completely different things behind it.” bahagi ng pahayag ng dalaga.

Matapos naglabas ng mga resibo at screenshots si Chie online, tila nagbigay ng paalala si Sofia Andres para sa kanyang mga fans na na-hack raw ang kanyang TikTok account.
Sagot ni Chie : “na-hack, No amount of designer clothes can hide an ugly soul, right Sofia?”
Sa ngayon, habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Sofia Andres tungkol sa mga influencers na binabayaran niya diumano para lang siraan si Chie Filomeno sa social media.