Kris Bernal, ginagaya raw si Heart Evangelista?

Kris Bernal accused of copying Heart Evangelista
Kris Bernal at Heart Evangelista

May katotohanan kaya ang chika na ginagaya ni Kris Bernal si Heart Evangelista?

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang aktres na si Kris Bernal matapos siyang akusahan ng mga netizens na ‘copycat’ diumano siya ni Heart Evangelista.

Kris Bernal, idol si Heart Evangelista.

Sa latest interview ni Kris Bernal sa ‘YOULol’ ng GMA Network noong Oct. 11, naitanong sa kanya ng dalawang hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar ang tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya ng mga netizens.

Kris Bernal GMA interview about Heart Evangelista
Kris Bernal Interview

Tanong ni Chariz : “Sinagot mo na daw ‘to sa isang interview mo somewhere, ‘yung feeling Heart Evangelista ka daw? anong masasabi mo dun?”

Sagot ni Kris : “Ah, hindi ko alam [kung] bakit.. siguro kung feeling Heart Evangelista ako edi sana meron din ako ng mga bvlgari niya, ‘yung lahat ng mga alahas niya.. pero hindi eh,

“Oh di kaya’y meron ako ng kasing dami ng berkin [bags] niya.. wala naman akong mga ganun jusko.. ginagaya ba in a way? kasi hindi ko mainitindihan ‘yung ginagaya?” paglilinaw ni Kris Bernal.

Agad naman na sinabi ni Chariz na baka raw inakusahan si Kris ng mga netizens na ginagaya si Heart dahil sa mga luxury items rin ni Bernal na kagaya kay Evangelista.

Paglilinaw ni Kris : “Hindi ba pweding ano… kami din gusto din namin ng mga luxury.. ganyan ganyan? bags? pero hindi naman ibig sabihin nun na ginagaya na namin..”

Sinabi rin ni Chariz Solomon na may mga similarities naman talaga si Kris Bernal sa fashion icon na si Heart Evagelista, dahil pareho umanong maganda at sobrang blessed ang dalawa.

“Pareho naman kayong beautiful at very blessed, that’s the most important.” say ni Chariz.

Dito na inamin ni Kris na super idol niya talaga si Heart.

“Ako talaga sasabihin ko idol ko talaga si Heart..” Chika ni Kris Bernal.

Kris Bernal and Heart Evangelista
Kris Bernal at Heart Evangelista nagkita sa isang event

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol kay Kris dahil tila hindi naman nila nakikitang ginagaya nito si Heart.

Ani ng netizens : “Both Beautiful naman sila ni Heart at Kris Bernal db? Ang taong naiinggit Di marunong makuntento! Di naman masamang humanga sa tao, basta through hardwork mo gagawin.”

“Kahit sabihin ginagawa ni kris si heart. Mag kaiba parin sila. Pero ang mahalaga. Maganda yung ginagawa nila. Tapos. Maganda na mabuti ba ang kalooban.”

“You are way beautiful than anybody Kris Bernal kasi Hindi ka magnanakaw.” dagdag pa ng isa.

Paano sumikat si Kris Bernal?

Sumikat si Kris Bernal matapos siyang manalo sa 4th season ng Kapuso talent search na StarStruck noong 2007.

Ito ang dahilan kung bakit nagbukas ang mundo ng showbiz para kay Kris at nasundan ito ng maraming endorsements at projects.

Samantala, kung inakusahan ng netizens si Kris na ginagaya si Heart, inakusahan naman nila si Evangelista na bumibili ng mga Followers para ma-maintain ang kanyang social media presence.

Ayon sa mga netizens, malaki umano ang nawalang followers ni Heart sa IG matapos masangkot ang kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero sa flood control projects scandal.

Ani ng netizen : “Ang dami nya kasing binlock at madami din nag unfollow sa kanya. Kaya kailangan bawiin sa fake followers para hindi obvious.”