Jake Cuenca, hiwalay na kay Chie Filomeno.

Courtesy : Chie Filomeno and Jake Cuenca
Courtesy : Chie Filomeno and Jake Cuenca

“That chapter is over” yan ang pagkumpirma ng aktor na si Jake Cuenca tungkol sa break up nila ng aktres na si Chie Filomeno.

Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Jake at Chie dahil sa mga pasaring ng pambansang marites na si Xian Gaza kamakailan.

Ani Xian : “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna huwag na lang sana makakalabas. Salamat.”

Una nang kumalat ang mga bali-balitang pinalayas diumano ni Jake si Chie sa kanyang condo pero hindi pa malinaw kung ano ang tunay na dahilan.

Dahil sa ingay online, humiling naman si Chie ng privacy tungkol sa naging relasyon niya kay Jake sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Bahagi ng pahayag ni Chie : “No further statements will be made at this time. I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs.”

Courtesy : Chie Filomeno asked for privacy
Courtesy : Chie Filomeno asked for privacy

Ngayong araw Oct. 7, sa naging panayam ng ABS-CBN at News5, kinumpirma na ni Jake ang tungkol sa mga break up rumors sa relasyon niya kay Chie na kumakalat online.

Naitanong ng mga press sa aktor kung kamusta na ang lagay ng kanyang puso at agad naman itong sinagot ni Jake na maayos naman at I’m doing great.

Chika ni Jake : “I’m good at least, It’s a lot to take, ‘di ba? Ang daming nangyayari, ang daming sinasabi ng mga tao. But siguro I can officially say, that chapter of my life [with Chie] is over now.

“To be quite honest with you, parang.. I can at least say that I really love that person deeply, and for me? I respect that person until today. I’m gonna have a lot of time to process everything and accept everything.” bahagi ng pahayag ni Jake.

Nilinaw naman ng aktor na walang break up na nangyari sa kanilang dalawa ni Chie, pero alam nila sa isa’t-isa na tapos na ang kanilang relasyon.

Pagbabahagi ni Jake : “There wasn’t a break up. There was no break up. No, for me, I’m there, hindi wala na lang. Like I said, I love that person deeply. That was incredibly important to me. But that chapter is over now, and I have to accept that.”