Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang tila patama ng komedyanteng si Vice Ganda kay Shuvee Etrata sa It’s Showtime.
Kung ating babalikan, sunod-sunod ang batikos na natatanggap ngayon ng Pinoy Big Brother alumni na si Shuvee Etrata mula sa netizens matapos nagsilabasan sa social media ang kanyang mga old posts.
Isa na ang video ni Shuvee tungkol sa pagiging DDS niya o Diehard Duterte Supporter, ang recorded live na ito ng dalaga ay noong March 12 pa at ang naging paksa niya sa naturang video ay ang pagka-aresto sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong March 11 ng gabi sa NAIA.
Ani Shuvee : “Naiyak talaga ako kagabi [pag-aresto kay Duterte], kasi sa lugar namin.. malaki talaga ang naitulong ni PRRD, like sa drugs talaga guys.. sobrang malaking bagay [ang naitulong niya].”
Dahil sa pambabatikos na natanggap ni Shuvee, agad siyang naglabas ng kanyang pahayag at humingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang nasaktan, ngunit hindi natapos ang pambabatikos sa dalaga dahil naglabas rin ng pahayag ang kanyang personal manager at tiyuhin tungkol sa mga pambabatikos sa kanyang pamangkin.
Nagtatatahol kasi ang tiyuhin ni Shuvee na si Yure Etrata sa social media at tinawag pa nitong “Kakampwet” ang mga “Kakampink” na bumabatikos sa kanyang pamangkin dahil sa pagiging DDS nito.
Ani Yure Etrata : “Shuvee, there was nothing wrong with what you did -expressing support for former President Duterte. It’s just that the liberal kakampwets hate him and anyone who support him. But the numbers say otherwise. Remember that he is loved by majority of the Filipino citizens.”
Matapos humupa ang mga issue, nasundan na naman ito ng lumang post ni Shuvee na may pang-aasar sa komedyanteng si Vice Ganda matapos tuluyang napasara ang home network nito na ABS-CBN.
UnionBank Rewards Credit Card 💳
- ✅ 5 Mins Approval
- ✅ No Annual Fee Forever!
- ✅ High Credit Limit
Hindi lingid sa marami na naging anak-anakan ni Vice si Shuvee matapos itong lumabas mula sa PBB house, masyadong naging malapit ang dalawa at dahil sa closeness nila ay gustong-gusto pa ng komedyante na pumasok si Shuvee sa It’s Showtime araw-araw.
Not until lumabas ang screenshot ng lumang post ni Shuvee tungkol sa ABS-CBN shutdown na may larawan ni Coco Martin at Vice, tila inaasar ng dalaga si Vice dahil umiiyak ito sa naturang post dahil sa pagpapasara ng kanyang network.

Dahil sa muling pag-viral ng post na ito ni Shuvee tungkol sa ABS-CBN shutdown, may pasaring si Vice sa It’s Showtime kahapon Feb. 26, tungkol sa taong ginagamit lang diumano siya pero may mga ‘chakang’ posts naman tungkol sa kanya sa Facebook.
Patama ni Vice : “Ginagamit-gamit mo lang ako! Kunyari lang idol niyo ako, pero bina-bash niyo rin [naman] ako pag may eksena ako sa Facebook! Kunwari close tayo? pero may mga chakang post naman kayo tungkol sa akin!!”
Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng komedyante kung ang dalaga nga ba talaga ang kanyang pinatatamaan sa naturang segment ng It’s Showtime, simula kasi na pumutok ang mga issue ni Shuvee ay hindi na ito mahagilap sa It’s Showtime dahil hindi na diumano ito pinapasok.
Samantala, marami naman ang nananawagan na tumakbo si Vice Ganda bilang pangulo sa halalan 2028, sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, dito na nila pinag-usapan ang tungkol sa hakbang na ito para tumakbo ang komedyante sa susunod na halalan.
Say ni Ogie : “Alam mo sa totoo lang nuh? sabi nga nila ang pagiging presidente ay destiny.. malay mo destiny nga ni Vice ‘yan.”