Ano kaya ang mga swerteng prutas para sa new year?
Naka-sanayan na ng bawat pamilyang Pilipino na maghanda para sa New Year’s eve, hindi mawawala ang mga prutas na magdadala ng swerte.
Kasabay sa paghahanda ng masasarap na pagkain, kailangan mayroon rin tayong display na 12 fruits sa ating hapag kainan.
Ito ay magdadala ng good health, positive energy o mga prutas na kontra sa kamalasan sa pagpasok ng bagong taon.
Sa ating hapag kainan, kailangan natin na makumpleto ang 12 na mga prutras para sa pagsalubong ng bagong taon at ilalagay natin ito sa isang prosperity bowl.
Ang Prosperity bowl ay isang mangkok na puno ng mga prutas, pera o pampaswerte na sumasagisag sa kayamanan at magandang kapalaran.
Ayon sa isang feng shui expert, itataboy nito ang mga negative energy at magdadala ng masaganang pamumuhay sa loob ng ating mga tahanan.
Narito ang 12 na mga prutas na kailangan ninyong ihanda sa darating na Media Noche bago sumapit ang bagong taon.
- Pinya (Pineapple)
- Para sa goodluck at success.
- Orange
- Para sa wealth at Good Health.
- Suha (Pomelo)
- Kasaganahan at Pagsasama ng buong pamilya.
- Grapes
- Para sa abundance at good fortune.
- Apple
- Para sa Kapayapaan (peace), balance at Good Health.
- Granada fruit (Pomegranates)
- Para sa long life at ang mga buto nito means ‘many blessings’.
- Mango (Mangga)
- Para sa happiness at Success.
- Lemon
- Itataboy ang negative energy at para sa proteksyon ng buong pamilya.
- Lychee
- Para sa masayang relasyon ng bawat pamilya.
- Longan
- Para sa unity ng bawat pamilya at Good luck.
- Banana (Saging)
- Para sa strong family bond at sa mas malalaking blessings.
- Watermelon (Pakwan)
- Para sa magandang pagpapa-ikot ng pera.
Ang 12 na mga prutas na ito para sa new year ay magiging gabay lamang pero nasasa-inyo parin o nasa mga palad niyo kung paano niyo haharapin ang bagong taon.
Ika nga nila ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.
Happy New year everyone!





