Zack Tabudlo hindi na maasim, nag-pabango sa stage.

Hindi na maasim si Zack Tabudlo.
Inokray ng singer na si Zack Tabudlo ang kanyang mga bashers matapos kumalat ang issue na pagiging maasim niya.
Kung ating babalikan, kumalat sa social media ang pagiging maasim ni Zack matapos itong mag-perform sa UST Paskuhan 2025.
Sa mga kumalat na mga videos at pictures online, makikitang lumapit pa sa mga audience ang singer habang basang-basa ang kanyang damit at pawis na pawis ang binata.

May mga netizens na nagsasabing nasa mismong event raw sila at hindi talaga nila nagustuhan ang amoy ni Zack. Agad na nakarating sa singer ang issue at sinagot ang mga paratang tungkol sa kanya.
Ani Zack : “There were certain comments in that video regarding how I smelled, how I looked like, how my weight was, and all that, and it’s just very bad.
“And to sum it all for you guys, I’m painted in social media as this smelly, ugly kid who has an attitude, who’s always late, who doesn’t dress good, who is fat, ugly, and can’t sing, and slams doors at people when it’s not 10:15 yet.“
Dagdag ng singer : “That’s very much it. I just wanted to raise awareness using my platform. And, guys, we’re all human at the end of the day.”
Sa Marikina Year-end concert naman na ginanap kagabi, inokray ni Zack ang kanyang mga bashers na tumatawag sa kanyang maasim.
Nagawa pa ng singer na mag-spray ng perfume bago siya lumapit sa mga audience.
Pabiro ni Zack : “Bababa ako mamaya pero kailangan ko munang magpabango. Medyo maasim daw, eh.”





