Yassi Pressman may issue kay Julia Montes?

Yassi Pressman and Julia Montes issue with Coco Martin
Yassi Pressman, Julia Montes at Coco Martin

How true kaya ang chika na may issue si Julia Montes kay Yassi Pressman dahil kay Coco Martin?

Viral sa social media ang naging panayam ni Julia Montes kay DJ Chacha, dito kasi nila napag-usapan ang babaeng dikit ng dikit umano kay Coco Martin.

Hindi lingid sa marami na ilang dekada na nagsasama sa iisang bahay ang aktres na si Julia Montes at ang aktor-direktor na si Coco Martin.

Netizens, sinabing si Yassi Pressman raw ang tinutukoy ni Julia Montes?

Sa naturang interview kasi ni DJ Chacha, dito na niya naitanong kay Julia kung may mga panahon na nagseselos siya sa mga katrabaho o ka-eksena ni Coco sa mga proyekto.

Tanong ni Chacha : “May na-confront ka na [ba] na medyo. girl? kalmahan mo work lang ‘to, may na ganun ka?”

Julia Montes on DJ Chacha's Youtube interview
DJ Chacha and Julia Montes

Ayon kay Julia, sa umpisa raw ay medyo okay pa, pero noong naka-strike 3 na raw si girl ay hindi na niya ito kinausap. Chika pa ng aktres na kung pinapanood raw ito ng babae ay malalaman niya na siya ang tinutukoy nito.

Sagot ni Julia : “Hindi ko siya kinausap.. pero pinaramdam ko sa kanya, kasi? wala ng point para kausapin ko pa siya, excuse me?

“Super warm ako, alam mo kapag okay ako sa’yo at tsaka hindi. So hindi rin ako plastic, hindi ako showbiz. Kapag hindi ako sayo, hindi kita papansinin,

“Kasi sobra rin naman siya kumbaga sa strike three, sobra sobra din naman.” pagbabahagi ni Julia.

Dito na kinonekta ng mga netizens si Yassi Pressman, sa forum site na Reddit halos pareho pareho ang kanilang mga komento at tinutukoy nila ang aktres.

Ani ng mga netizens : “Saw this tiktok vid interview ni dj cha cha kay julia montes and according sa comsec si Yassi Pressman daw yung girl hahaha. Thoughts niyo dito?”

“allegedly nagdala daw ng pagkain si yassi sa bahay ni coco w/o knowing julia was there.”

“Baka kasi hinaharot din ni coco si yassi sa set kasi kung hindi, ano point bat siya pumunta sa bahay nila hahaha.” dagdag pa ng isa.

Kung ating babalikan, matagal rin na nagsama sa isang proyekto sina Coco at Yassi, ito ay sa serye na FPJ’s Ang Probinsyano. Ang karakter ng aktres ay tumagal mula 2016 hanggang 2021 bilang si Alyana Arevalo-Dalisay (love team ni Coco).

Dahil sa chemistry nilang dalawa sa naturang serye ay tila na-issue na rin sila noon na mayroon silang romantic na relasyon sa totoong buhay pero pareho nila itong pinabulaanan.

Taong 2023, naglabas naman ng pahayag si Yassi na bukas siya na pumasok sa bagong serye ni Coco na Batang Quiapo.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Yassi Pressman kung siya ba talaga ang babae na tinutukoy sa panayam ni Julia Montes kay DJ Chacha.