Xyriel Manabat, may patama kay Ashley Ortega?

Ano ang issue nina Xyriel Manabat at Ashley Ortega?

Tila may namumuong tensyon sa pagitan ng dating PBB Celebrity Collab Edition housemates na sina Xyriel Manabat at Ashley Ortega.

Nagsimula ang espekulasyon matapos mag-post si Xyriel ng isang TikTok video kung saan tila pinapatutsadahan niya ang “ibang babae” na sinisira ang confidence ng kapwa nila babae.

Sa video, proud kasi na ibinahagi ni Xyriel na nasa “healthiest and most disciplined” era daw siya ngayon at mas focused sa kanyang fitness journey.

Dagdag pa niya, matagal na niyang ginagamit ang kanyang platform para mag-empower ng mga babae.

Pero minsan daw nakakalungkot dahil kapwa babae pa niya ang sumisira sa confidence ng iba.

Ani Xyriel: “Bark all u want… this is my healthiest and most disciplined version of myself. Nakakalungkot kapwa babae mo talaga sisira ng confidence mo, no? I have been using my voice to empower women but some women are… sad.”

Bagamat hindi direktang binanggit ni Xyriel kung sino ang tinutukoy niya, malakas ang pakiramdam ng netizens na si Ashley ang kanyang pinapatutsadahan.

Ito’y matapos ikinonekta ng netizens sa komento ni Ashley sa isang video ni Xyriel, kung saan kapansin-pansin ang pagpayat niya dahil sa pag-e-exercise at healthy lifestyle.

Pero sa halip na suportahan, tila binody shame pa raw ni Ashley si Xyriel.

Ani Ashley: “Bebe ang payat mo na… kumain kaaa. [heart emoji]”

Para sa maraming netizens, naging insensitive at “off” daw ang remark, lalo na’t proud si Xyriel sa kanyang fitness progress.

Para pa raw itong nagsasabing hindi na kumakain si Xyriel kaya pumayat.

Giit ng ilan, mas okay sana kung personal message ang ginawa ni Ashley kung totoong nag-aalala ito, imbes na magkomento sa harap ng publiko.

Komento ng netizens : “Insensitive ‘yan. Hindi ganyan magpakita ng concern.”

“Kung worried ka talaga, i-DM mo. Hindi dapat public.”

“Body-shaming na ‘yan.”

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang anumang pahayag si Ashley tungkol sa isyu.