Xian Gaza, pumalag sa P500 noche buena package ng DTI.

Pumalag ang pambansang marites na si Xian Gaza sa P500 noche buena package ng DTI.

Maraming netizens ang pumalag sa inilabas ng DTI o Department of Trade and Industry na P500 noche buena package para sa mga Pilipino.

Ang layon ng DTI ay para mairaos ang kapaskuhan na hindi gumagastos ng malaki ang bawat Pilipino sa kanilang Christmas eve o noche buena.

Ani DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque : “Kung tutuusin P500 makakabili na na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti. Depende rin po ‘yan kung ilan ‘yung kakain.”

Dito na pumalag ang mga netizens maging si Xian Gaza, anila na hindi sapat ang P500 pesos sa panahon ngayon dahil sa mahal na ng mga bilihin.

Say ni Xian Gaza : “nakakalungkot isipin na kulang pa yung 500 para sa complete ingredients ng spaghetti.”

Chika pa ng pambasang marites na parang nakakaloko raw ang DTI dahil sa hotdog palang ay nagkakahalaga na ito ng P200 pesos na tila hindi sapat para makabili at makapag-luto ng spaghetti.

Wika ni Gaza : “sahog na hotdog para sa spaghetti almost 200 pesos na tapos sasabihin kasya na daw yung 500 para sa noche buena ng isang buong pamilya… parang nakakaloko.”

Dagdag pa niya : “swak na swak yung 500 kung fruit salad lang ang handa niyo sa nochue buena, may sukli ka pang 47 pesos, sasakit nga lang yung tiyan niyo sa sobrang gutom.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na kung sardinas at fried rice lang ang magiging noche buena ay baka raw magkakasya pa ang P500 dahil magkakaroon pa ito ng sukli.

Ani ng netizen : “Kung ssbhin mo mam sardinas na may miswa Ang ihanda with omelette at Tuyo. Kasya po with fried rice pa.”

“Try mo madam grocery ng 500 ngaun kung kasya pa yan. Sa sobrang mahal na ngaun ng bilihin!”

Dagdag pa ng isa : “beshie, ako nga pag nagggrocery, kulang pa yung 1000pesos dahil sa mga tax nyong kung ano ano. pati ata hangin gusto nyong lagyan ng tax. tapos 500 noche buena? tao ka ba. lika, punta tayo palengke, mag 500 pesos noche buena challenge tayo. tapos lutuin mo ha? tara. document natin.”