Xian Gaza, nagsalita tungkol sa pagpanaw ni Ivan Cezar Ronquillo.

How true ang chika ni Xian Gaza na may foul play sa pagpanaw ni Ivan Ronquillo?

Usap-usapan sa social media ang chika na inilabas ni Xian Gaza tungkol sa pagpanaw ng boyfriend ni Gina Lima na si Ivan Cezar Ronquillo.

Hindi lingid sa marami na pumanaw si Ivan tatlong araw matapos ibinalita ang pagpanaw ng kanyang girlfriend na si Gina Lima.

Ani pa ni Xian : “Based sa nasagap kong tsismis, hindi siya nagpakamatay. Pinatay talaga siya tapos pinalabas lang na suicide. Akala kasi ng killer niya eh pinatay niya yung isa kahit na-overdose lang naman talaga.”

Xian Gaza about the passing of Ivan Cezar Ronquillo : "there's foul play"
Xian Gaza’s social media post about Ivan Cezar Ronquillo

Kung ating babalikan, lumabas sa imbestigasyon ng QCPD na ang cause of death ni Ivan ay dahil sa self-inflicted harm sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Ani ng QCPD : “According to initial reports, a tenant of the apartment building informed the victim’s father upon seeing an individual hanging from the metal stairs located on the third floor. The father immediately checked and confirmed that it was his son.”

Ang girlfriend ni Ivan na si Gina ay pumanaw noong Nov. 16, ang binata pa mismo ang nagsugod sa dalaga sa ospital pero sa kasamaang palad ay idineklara itong dead on arrival.

Tatlong araw matapos nag-viral at pinag-usapan sa social media ang pagkamatay ni Gina, sumunod naman na pumanaw si Ivan noong Nov. 19.

Paniniwala ng iilan na nagkaroon ng depresyon si Ivan dahil sa biglaang pagpanaw ni Gina kasabay ang mga pambabatikos sa kanya sa social media matapos kumalat ang mga maling impormasyon sa pagkamatay ng kanyang girlfriend.

Dagdag pa ng QCPD : “Prior to the incident, relatives stated that the victim had been experiencing emotional distress following the sudden passing of his girlfriend the previous day.”

Sa kasalukuyan, walang matibay na ebidensya kung tunay ba na may foul play sa pagpanaw ni Ivan na ipinost ni Xian Gaza sa social media.