Xian Gaza, labas raw si Sachzna sa blind item ni Jerome Ponce.

Hanggang sa ngayon ay maingay parin ang blind item kay Jerome Ponce.
Nilinaw ni Xian Gaza na hindi si Sachzna Laparan ang nag-utos sa kanya na ilabas ang blind item tungkol kay Jerome Ponce.
Kung ating babalikan, January 20 naglabas ng isang pasabog o blind item ang pambansang marites na si Xian Gaza tungkol sa aktor na nagawang pumatol sa kanyang kadugo o tita.
Ani Xian : “BINIBIGYAN KO NG ULTIMATUM ANG DALAWANG MAG-TIYAHIN NA ‘TO. KAPAG HINDI PA KAYO NAG-BREAK WITHIN THE NEXT 3 DAYS SA NGALAN NG DIYOS, AGHAM, LIPUNAN AT NG INYONG BUONG ANGKAN, PASENSYAHAN TAYO HA…”
Makalipas ang ilang oras ay nahulaan na agad ng mga marites kung sino ang tinutukoy ni Xian sa kanyang blind item, ito pala ay ang aktor na si Jerome Ponce at ang kanyang tiyahin na si Leonette Espina.
Unang post ni Xian : “BREAKING NEWS: Isang sikat na lalaking artista, kinakant.. ang pinsang buo ng kanyang ama! Ka-live in niya ang sarili niyang tiyahin! OMG! This is kompirmd 100%! Buong angkan nila ay galit na galit sa kanilang dalawa!”
Dahil naman sa koneksyon ni Xian Gaza kay Sachzna Laparan [ang ex-gf ni Jerome]. Maraming netizens ang nagsasabing baka ang vlogger raw ang nag-chika kay Gaza tungkol sa baho ng aktor upang mapahiya ito sa social media.
Ani ng netizen : “baka si Sachzna ang nagchismis niyan kay Xian gaza para makabawi siya sa panloloko ni jerome Ponce noon. HAHA”
Dito na nilinaw ni Xian na labas raw ang ex-girlfriend ni Jerome na si Sachzna sa pagsiwalat niya sa blind item tungkol sa aktor.
Paglilinaw ni Xian : “Basta isa lang ang gusto kong klaruhin sa buong bansa, Sachzna Laparan has nothing to do with this so please spare my friend. She even stopped me from splooking this tsismis kasi baka daw isipin ng tao na siya ang nagpapatrabaho.”
Dagdag pa niya : “Hindi na namin kasalanan kung yung Tito ng ex niya ay gustong i-expose sa buong bansa yung sariling baho ng kanilang pamilya.”
Sa kasalukuyan, hindi pa nagla-labas ng isang opisyal na statement ang aktor na si Jerome o maging ang kanyang tita na si Leonette.







