Will Ashley, inamin na si Mika Salamanca ang kanyang bet.

Usap-usapan ang tunay na namamagitan kina Will Ashley at Mika Salamanca sa Reddit.

Ideal girl at ‘super crush’ pala ni Will Ashley si Mika Salamanca, ang PBB Celebrity Collab Edition 2025 Big Winner Duo.

Noong August 13, 2025, matapang at lakas loob na inamin ni Will na si Mika talaga ang kanyang gusto o ang nagpapatibok ng kanyang puso habang nasa loob pa sila ng PBB house.

Sa kanilang Youtube vlog, dito na naging guest ni Will si Mika na may title na ‘Will You Lie?’ at sumalang sila sa isang lie detector test challenge.

Tanong ni Mika : “May natitipuhan ka ba sa mga housemates, yes or no?”

Sagot ni Will : “Well, I think everyone knows naman na about this. Kasi since first week [pa lang sa Bahay Ni Kuya] nasabi ko na, di ba? Yes.”

Dagdag pa ng binata : “Sinabi ko na nga. I-replay niyo na lang dun sa Bahay Ni Kuya, guys.[agad sinabi ni Will na] Ikaw..[tinuro si Mika].”

Wika ni Mika : “Hindi, ayun naman, eh, ano lang naman ‘yon, kumbaga ang pagkaka-gusto sa someone is paghanga lang naman ‘yon, hindi something.”

Pahabol ni Will : “Huwag mo na i-explain, nagmu-mukhang defensive, eh.”

Samantala, usap-usapan naman sa Reddit ang Hong Kong date nina Will at Mika matapos kumalat ang kanilang mga larawan together online.

Sa mga naturang larawan, mapapansin ang sweetness nina Will at Mika, chika pa ng mga fans na baka raw ay sila talaga ang tunay na magka-relasyon o mag-jowa.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw ang kani-kanilang mga ka love teams ay for showbiz lang talaga, pero pagdating sa kanilang personal lives ay mas gusto nila ang isa’t-isa.

Naitanong rin ng kanilang mga fans na baka raw ay no more ‘MikBrent’ at ‘WillCa’ na talaga.

Chika pa ng mga netizens : “Sa pbb kasi iba nilalayag ng management iba din sa real life, parang JMfyang ipinilit si jas pero paglabas sila parin, Tapos etong MikBrent pero halata naman na MikWill ang real.”

Dagdag pa ng isa : “Noon pa man alam naman naten na crush talaga ni will si mika ! Di nanaten mababago yun.”