Courtesy : Baby Meteor, Whamos Cruz and Antonette Gail del Rosario

Whamos Cruz, muling binuntis si Antonette Gail.

Masayang ibinahagi ni Antonette Gail sa social media ang muli nitong pagbu-buntis sa pangalawang anak nila ni Whamos Cruz.

“From three to four — our little family just got bigger,” yan ang caption ng social media post ni Antonette ngayong araw Sept. 13 matapos nitong inanunsyo ang muli niyang pagbubuntis.

Kalakip sa naturang post ang kanilang family photos habang hawak nila ang isang ultra sound result na nagkukumpirma sa muling pagbubuntis ng vlogger na kinunan sa The Baby Village Studio sa Taguig City.

Courtesy : Baby Meteor
Courtesy : Baby Meteor

Hindi lingid sa marami na samu’t-saring batikos rin ang natanggap ni Antonette sa social media matapos niyang sagutin si Whamos Cruz at isapubliko ang kanilang relasyon, ayon kasi sa mga netizens na pera lang diumano ang habol nito sa sikat na vlogger kaya ito pumatol.

Pero habang tumatagal ay napapatunayan ni Antonette na tunay nga ang pagmamahal niya kay Whamos dahil hanggang sa ngayon ay going stronger parin ang relasyon nilang dalawa. Lalo na’t magkakaroon na sila ng 2nd baby.

Ani ng netizen : “Ngayon niyo sbhn pera lang habol ni Antonette Gail kay whamos nagpaparami pa nga ng lahi kay whamos..congratulations Antonette & whamos..”

“Wow my kapatid na si [Baby] meteor Congratulations! keep strong and happy family forever..” komento pa ng isa.

Noong ipinanganak rin ni Antonette ang panganay nila ni Whamos na si Baby Meteor ay tila naging usap-usapan rin sa social media ang tungkol sa hamon ng isang netizen na magpa-DNA test si Whamos sa kanyang anak dahil sure umano ito na magiging negative ang resulta.

Hamon ng netizen : “Magpa DNA test kau tignan mo hindi mo anak yan hahaha,”

Agad naman na sinagot ni Whamos ang naturang netizen : “PAPALAGAN KITA JAN SA DNA BASTA KAPAG TUGMA DNA NAMEN PAPAKULONG KITA PAYAG KA?”

Aminado naman si Whamos na noong ipinagbubuntis pa lamang ni Antonette si Baby Meteor ay paulit-ulit niyang ipinagdasal na sana raw ay hindi sila maging magkamukha ng kanyang anak, dahil na rin umano sa mapang-husgang lipunan lalo na sa social media.

Aniya : “SINABI KONA SA INYO UNA PA LANG NA NASA TYAN PALANG ANG ANAK KO NA C Baby Meteor PINAG DASAL KO NA HINDI MAGING KAMUKA DAHIL AYOKO MAKARANAS ANAK KO SA PANG BABASH NYO,” dagdag ni Whamos.