Whamos Cruz, hindi raw kilala sa Pampanga?

Antonette and Whamos Cruz Pampanga issue
Antonette Gail and Whamos Cruz

“Bakit hindi kami kilala sa Pampanga?”

Yan nga ang laman ng viral post tungkol kina Whamos Cruz at Antonette Gail matapos diumano silang kumain sa Mang Inasal sa Pampanga.

Tila naging laman na naman ng pambabatikos si Whamos Cruz at ang kanyang partner na si Antonette del Rosario matapos kumalat sa social media ang isang post na nagmula diumano sa opisyal na Facebook page ni Whamos.

Sa naturang post, mababasa ang katanungan ni Whamos kung bakit walang nagpapa-picture sa kanilang dalawa ni Antonette sa Pampanga kahit na sobrang sikat umano nila sa buong bansa.

Ani ng post : “ibang bansa naba ang PAMPANGA? kumain kami sa mang-inasal wala manlang pumapansin sa amin.”

Whamos Cruz Pampanga post
Whamos Cruz viral post

Dito na tumaas ang dugo ng mga netizens at sinabi nila na masyadong entitled umano sila Whamos at Antonette, kalat na kasi online ang naturang screenshot ng post.

Ani ng netizen : “Sikat ba sya. Para pag kaguluhan ng mg tao.. manapa yung inasal pagkakaguluhan ko.”

“Pa importante.. Naman to xa.. Bat di mo kinawayan lahat o kaya dala ka sana plaka.. Nakalagay.. Si wamoz po ako.. Nag pa sikat ng kanta ng lamok.. Kung inyong alalahanin” dagdag pa ng isa.

Whamos Cruz, nilinaw ang kanilang Pampanga post issue.

Dahil sa ingay ng social media, agad na naglabas ng kanyang pahayag si Whamos tungkol sa viral post na ito sa pamamagitan ng isang video, pinabulaanan ng content creator na hindi siya ang nagpost ng mga katagang ito.

Ani Whamos : “Kaya po ako nag-post ng statement ngayon kasi po sobrang viral na po nitong kumakalat na picture namin about sa mga taga-Pampanga,

“Unang-una sa lahat, wala po akong post na ganito. Tsaka hindi ako magsasabi ng ganito lalo na sa mga taga Pampanga, jusko! Oh kung saan lugar kami magpunta, mahal po namin ang mga taga Pampanga na sumusuporta sa amin. At hindi din po kami kumain sa Mang Inasal ng Pampanga. May magpa-picture po sa amin o wala, masaya po kami,

“Marami rin pong nagchat sakin na mga taga Pampanga na [hin]di po sila naniniwala sa post na kumakalat dahil hindi po legit na account ko ang nagpost.” pahayag ni Whamos.

Nanawagan naman ang content creator na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news sa social media, marami kasing naniniwala agad sa mga ganitong uri ng post kahit edited lamang ang mga ito.

“Shout out sa mga fake page o ibang page na nagpapakalat ng ganitong post tungkol sa amin [ni Antonette] mga gunggong kayo. Si Lord na bahala sa inyo mga gunggong kayo.” dagdag ni Whamos.

Samantala, masayang ibinahagi ni Antonette Gail sa social media ang muli nitong pagbu-buntis sa pangalawang anak nila ni Whamos Cruz.