Wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co, hindi na matutuloy?

Anyare sa wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co?

Hindi na raw matutuloy ang Spain dream wedding ng aktres na si Bea Alonzo sa bilyonaryong taga-pagmana na si Vincent Co.

Ayon sa mga blind items, hindi natuloy ang dapat sana’y “fairy-tale wedding” ni Bea at Vincent sa Spain dahil sa hindi pagkaka-intindihan tungkol sa prenup agreement bago ang kasal.

Kahit naka-ready na ang lahat, nagawa nilang icancel ang mga booked flights nila papuntang Spain. Naka-ayos na rin sana ang mga designer outfits na gagamitin sana sa kasal.

Hindi raw pumayag ang pamilya ni Vincent na pakasalan si Bea kung walang prenuptial agreement, dito na pumayag ang aktres na pumirma.

Nakasaad sa agreement na kailangang tumira ang aktres kasama ang mga magulang ni Vincent sa iisang bahay, sa additional clause na ipina-dagdag ng magulang ni groom dito na hindi pumirma si Bea.

Kung maghihiwalay raw silang dalawa, ang mga bata raw ay dapat na mapunta sa mga Co.

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng pahayag si Bea at maging si Vincent tungkol sa pagka-udlot ng kanilang dream wedding.