Wanted na si Atong Ang, tumakas na raw ng bansa?

Nakalabas na raw ng bansa ang no. 1 most wanted na si Atong Ang?

Posible raw na nakalabas na ng bansa ang wanted na si Charlie ‘Atong’ Ang, ito ay ayon sa whistleblower na si Julie ‘Dondon’ Patindongan.

Hindi lingid sa marami na binansagan ng most wanted ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang business at gaming tycoon matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest.

Nakasaad sa wanted poster : “WANTED DILG’s MOST WANTED PERSON, CHARLIE TIU HAY ANG A.K.A. “ATONG ANG”. “BOSS AA” Alleged Mastermind in the multiple counts of Kidnapping with Homicide, and Kidnapping and Serious Illegal Detention of the “MISSING SABUNGEROS”.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagkaka-halaga na sa P10,000,000 ang reward o patong sa ulo ni Atong, ito ay mata-tanggap ng taong makakapag-turo sa whereabouts ng negosyante.

Ayon sa CIDG, ang mga posibleng lokasyon raw ngayon ni Atong ay sa Pasig, Mandaluyong, Manila, Laguna, Batangas, Quezon o Zambales.

Ngunit ayon sa whistleblower na si Julie ‘Dondon’ Patindongan, posibleng nakalabas na raw ng bansa si Atong bago pa man pumasok ang taong 2026, ito ay ayon sa kanyang latest interview sa DZBB.

Chika pa ni Patindongan na hindi lang basta ordinaryong tao ang negosyante dahil marami raw itong koneksyon kaya hindi malabo na nakatakas na ito papunta sa ibang bansa.

Aniya : “Sa tingin ko, nasa ibang bansa na siya.”

Kung ating babalikan, inilabas ng Lipa, Batangas Regional Trial Court ang warrant of arrest laban kay Atong Ang at sa 20 pang akusado.

Ngunit sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 20 akusado at natatanging si Atong nalang ang pinagha-hanap ng batas kaya binansagan itong pugante.

Bukod sa pagiging number one most wanted sa buong bansa, armado at mapanganib din ang turing ng DILG kay Atong kaya pina-kansela na ang mga rehistro ng kanyang mga armas.