Nagulantang ang mga netizens matapos kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ng Vivamax actress na si Gina Lima.
Si Gina ay isa sa mga kilalang aktres ng Vivamax.
Nakilala siya sa mga pelikulang tulad ng My Fairy Tail Love Story noong 2018 at Liveshow 4 noong 2023.
Kaya naman marami ang nagulat nang bumaha ang ilang post sa social media, kung saan sinasabing pumanaw na si Gina matapos isinugod ang dalaga ng kanyang boyfriend na si Ivan Cezar Ronquillo sa ospital.
Isang kaibigan ni Gina ang nagbahagi ng video at mensahe sa Instagram.
Sinabi niya rito na mamimiss siya ng lahat ng tropa at nawala ang isang mabait at masayahing tao.
Aniya : “Hanggang sa muli mahal kong kaibigan @ginakinslim_ mamimiss ka ng lahat ng tropahan. Isang taong mabait, masiyahin at mahal ng lahat ang nawala ngayong araw. Nakakalungkot to. RIP kapatid kong Gina.”
Sa isa pang post ng kaibigan ni Gina, ipinalalabas nilang binugbog diumano ng kanyang boyfriend si Gina hanggang sa bawian ito ng buhay.
Saad sa post : “HINDI KO KAYO MA REPLAYAN LAHAT PERO PINATAY NI IVAN
SA BUGBOG SI @ginakinslim KAYA NUNG NASA OSPITAL NAABUTAN NAMIN SI IVAN SA KOTSE KASAMA PAMILYA NYA PERO KULANG YAN NAMATAY YUNG PINAKA MABAIT Na TAO E”
Isang nakakabiglang rebelasyon naman ang ipinost ng isang netizen sa Reddit na nakakakilala sa boyfriend ni Gina.
Ayon sa kanya, hindi raw ito ang unang beses na nasangkot sa ganitong insidente ang boyfriend ni Gina dahil may history na raw ito ng pananakit at minsan na ring nakapatay matapos makasagasa.
Saad ng netizen : “Taga samin yung bf niyan. Player namin dati sa SK basketball league, Junior team ako, midget naman yung BF. Mayabang talaga yung lalake kasi galing sa wealthy fam, kagawad yung tatay pero sobrang yabang talaga at hambog. Nakapatay na yun once, nakasagasa sa morato, ang masasabi ko lang is hindi siya nag tanda. umulit pa talaga. Eto na ang karma niya.”
Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya ni Gina o sa management ng Vivamax tungkol sa insidente.




