Vitaly Zdorovetskiy, idedeport na matapos makulong.

May bagong update sa kaso ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy.
Nakatakdang i-deport si Vitaly Zdorovetskiy matapos makulong ng 9 months sa Philippine jail dahil sa pambabastos sa Taguig City.
Kung ating babalikan, inaresto si Vitaly noong April 2025 matapos nitong hinarass at binastos ang mga pinoy sa Bonifacio Global City, Taguig habang naka-livestream.
Kinuha at binitbit pa nito ang electric fan ng isang establishment habang may mga customers na kumakain at nagawa pa nitong murahin ang mga gwardya ng naturang lugar.
Dahil sa kanyang mga ginawa, sinampahan ito ng patong-patong na mga kaso tulad ng unjust vexation, theft, public harassment at alarm and scandal.
Maging ang pangulo ng ating bansa na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naglabas rin ng kanyang pahayag at pagka-dismaya sa mga ginawa ni Vitaly.
Aniya BBM : “Sira ulo rin ito. Hindi naman Pilipino, pwede ko bang murahin? Ang isa pa nating nakita ngayong Linggo ‘yung kagalit-galit na pinaggagawa ng isang foreign vlogger sa ating mga kababayan. Biro man niya ito o hindi, sino namang Pilipino ang hindi kukulo ang dugo sa napapanood natin?”
Dagdag pa ng pangulo : “Asahan ninyo ‘yung mga gumagawa ng ganyan ay hindi natin pababayaan na patuloy nilang ginagawa ‘yan… Dapat tayo pumalag sa mga bully, kasama niyo ang pamahalaan para ilugar ang mga ganitong tao.”
Sa panibagong update kay Vitaly Zdorovetskiy, inaasahan na madi-deport na ang vlogger mula sa Pilipinas papuntang Russia matapos itong makulong ng 9 months.
Ani ng Bureau of Immigration : “The Board of Commissioners has issued a deportation order against Vitaly Zdorovetskiy.”
Dagdag pa nila : “His penalty is now deemed served. That’s why he can be deported soon. We’re also now coordinating with the place he will be deported to, which is his country, Russia.”
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na kulang ang 9 months na pagkaka-kulong ni Vitaly para matuto at panagutan nito ang pambabastos niya sa Pilipinas.
Ani ng netizen : “dapat ikinulong muna ng mas matagal, pinabayaan munang masintensyahan dito sa Pinas bago ipadeport.”
Dagdag pa ng isa : “Nasanay kasi yan na pag nahuhuli sa ibang bansa nakakapag pyansa agad or pinapakawalan nalang kaya namimihasa, pero nasampulan sya dito ng kulong, pero pag uwi nyan makakalaya agad yan sabay post ng negative laban sa pinas, iwan kung na cancel mga socmed account nyan kasi kung hindi for sure paldo yan kasi maraming nag view sa mga videos nya.”






