Ayon sa Direktor na si Lav Diaz, ang komedyanteng si Vice Ganda umano ang makakatalo kay Sara Duterte sa susunod na eleksyon for President.
Sa tingin pa ng award-winning Indie film direktor, si Vice lang umano ang natatanging makaka-harang kay Sara papuntang Malacañang sa taong 2028. Hindi lingid sa marami na malakas ang chance na manalo ang kasalukuyang Vice president sa susunod na halalan.
Ani Lav Diaz : “Seryoso ‘yan ha? seryoso [yan], kasi napaka-bleak ng future [natin] kapag hindi natin mawasak ‘yung wall na ‘yun, ‘yung Sara Duterte wall, which is coming.. which is coming,
“It’s only 2 years away.. Gamitin natin ang ‘Pop Culture’ to destroy that [Sara wall]. Sino ba ang pinaka-icon sa pop culture ngayon? Vice Ganda, at maganda rin ang pananaw ni Vice. Gamitin natin, let’s use that, kasi ‘yun na ‘yung labanan eh,” pahayag ni Diaz.

Marami naman sa mga netizen ang napatanong kung sakaling tatakbo si Vice sa Halalan 2028, sino kaya ang kanyang Vice President o ka-tandem?
Ayon kay Diaz sa naturang podcast, ang napupusuan niyang sumanib kay Vice bilang Bise Presidente sa halalan 2028 ay kahit na sino kina Atty. Chel Diokno, Sen. Risa Hontiveros o si Naga Mayor Leni Robredo.
“Ilagay lang si Chel [Diokno], o si Risa [Hontiveros] o si Leni [Robredo], vice [President] ni Vice [Ganda]. At pag nanalo na sila, mag-resign si Vice [sa showbiz], may Presidente na tayong maayos,” dagdag ni Diaz.
Marami naman sa mga netizens ang napa-isip kung papayag ba si Vice na pumasok sa politika, dahil aminado si Vice na hindi niya hinahangad na magkaroon ng kapangyarihan o umupo sa kahit anong pwesto sa gobyerno.
Ani ng netizen : “I believe Vice Ganda will also disagree on this. Sabi nga niya, di siya tatakbo lalo na at alam niya kung saan lang ang kapasidad nya. For sure magiging sensible siya on this at susuportahan niya yung nararapat na kandidato na maupo at maging lider ng bansa.”
“Sa sobrang talamak ng katiwalian at korapsyon na dinadanas ng bansa, we can definitely say that the Philippines, is in dire desperation for good governance, and yes many people who are in the government are using the ignorance of many for them to retain power, influence and to steal money from the people.” dagdag pa ng isa.
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Vice Ganda tungkol dito.