Vice Ganda, pumalag sa resulta ng Miss Universe 2025.

Isa si Vice sa mga nagulat dahil sa naging resulta ng Miss Universe 2025.

Naglabas ng pagka-dismaya ang komedyanteng si Vice Ganda sa naging resulta nang kakatapos lamang na Miss Universe 2025.

Hindi lingid sa marami na usap-usapan hanggang sa ngayon ang 74th Miss Universe 2025 coronation night, marami kasi sa mga netizens ang hindi tanggap ang naging resulta sa naturang patimpalak.

Kinoronahan si Fátima Bosch na mula sa Mexico bilang bagong Miss Universe, pero ayon sa iilan na hindi umano nito deserve ang korona dahil hindi naman maganda ang winning answer ng dalaga.

Mas nagagalingan pa raw sila sa mga naging sagot ng ibang kandidata na pasok sa TOP 5 gaya nina Cote d’Ivoire, Venezuela at Philippines kaysa sa naging Q and A answer ni Mexico.

'Unacceptable': Vice Ganda, netizens react to Miss Universe 2025 result
Miss Universe 2025 : Cote d’Ivoire, Philippines and Venezuela

Ani ng netizens : “these three could’ve easily been the top 3, pero sila pa yung naglaban-laban for 2nd, 3rd, and 4th place. THEY WERE ROBBED. LIKE, THEEEEEY AREEEE ROBBBEEEED!!!”

Dito na inihalintulad ni Vice Ganda ang pagkatalo ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 sa napapanahong flood control scandal sa ating bansa.

Ani Vice : “Hanggang sa Miss Universe ninakawan nyo ang Pilipinas! Grabe!!!  #MissUniverse2025.”

Dagdag pa niya : “Unacceptable!!!!!”

Marami naman sa mga netizens ang tila pabor sa mga social media post ni Vice tungkol sa Miss Universe 2025 coronation night results. May iilan na nagsasabi na hindi pang-korona ang naturang sagot ni Mexico.

Ani ng netizen : “tanggap ko pa venezuela o Cote d’voire nanalo ang gaganda ng sagot perooo Mexico? akala ko nga silang dalawa ni Thailand yung last na ranking dahil silang dalawa yung pinaka least na maganda ang sagot omggg what’s happening.”

“Lutong-luto! Kahit sana si Cote d’Ivoire pero 4th Runner Up lang siya????”

“I though Cote will take the crown and 1st runner up si Ahtisa, si Mexico yung pinaka sablay na sagot. Huhu”

Dagdag pa ng isa : “Nakakaloka diko nga maintindihan sinasabi ni Mexico eh shuta xa pa nanalo.”