Sa sunod-sunod na Instagram stories ng komedyanteng si Vice Ganda, nanawagan ito na makiisa ang lahat sa Luneta Rally sa Sept. 21.
Ang pagtitipon-tipon ng mga pilipino na gaganapin sa Maynila ay inaasahan na magkakaroon ng 1M+ attendies mula sa mga studyante, mga taga simbahan, civil societies, mambabatas at mga ex-officials.
Maraming celebrities rin gaya nalang ni Vice Ganda ang nanawagan na makiisa sa rally na ito upang panagutin ang mga nasa likod ng korapson sa ating pamahaalan, ang pagtitipon na ito sa Sept. 21 ay magaganap sa Luneta Park sa oras na 9AM at sa EDSA Shrine naman sa oras na 2PM.
Ani Vice : “Magkita-kita tayo sa Luneta sa Linggo [Sept. 21]. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayup na magnanakaw sa gobyerno.”

Kung ating babalikan, bukas Sept. 21 ang ika-53rd anniversary ng deklerasyon ng dating pangulo na si Ferdinand E. Marcos Sr. ng ‘Martial Law’ noong 1972, it also falls on Sunday kung saan walang pasok ang mga estudyante.
Kaya naman, para sa Luneta Rally na ito bukas ay aasahan ang maraming tao na dadalo at makikiisa para wakasan na ang korapsyon sa ating gobyerno.
Magde-deploy rin ng mahigit 50,000 na kapulisan ang NCRPO o National Capital Region Police Office para masigurado ang safety ng bawat isa na lalahok sa pagtitipon na tinatawag nilang “Trillion Peso March”.
Ang magiging panawagan sa ‘Trillion Peso March” ay ang pag-demand na ibalik ng mga magnanakaw ang pera na kinuha nila sa mga taongbayan.
Ayon naman kay ‘TAMA NA’ o Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance convenor na si David San Juan, wala silang sasantuhin na mga politikong korap at gagawin nila ang lahat upang managot at makulong ang mga ito.
Aniy San Juan : “Hence, the Luneta action [rally] makes it clear na wala tayong sasantuhing politikong korap; no sacred cows. Basta korap na dynasties, ayaw natin at gusto nating managot at ikulong lahat ng korap kahit anong administrasyon pa [yan] galing,”
Samantala, viral at naging usap-usapan ang performance ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa UAAP season 88 opening ceremony sa UST.
“Tama na!” ito ang sigaw ng Pop Icon na si Sarah dahil sa matinding korapsyon ngayon sa ating bansa, ang singer ang nanguna sa opening ceremony ng UAAP Season 88 sa University Of Santo Tomas noong Sept. 19.
Habang kumakanta kasi si Sarah ng kanyang 2013 hit song na ‘ikot-ikot’ sa stage, dito na niya isiningit ang kanyang pag-aalma dahil sa patuloy na panloloko na ginagawa ng mga politiko sa ating mga kapwa pilipino.
Ani Sarah : “Parang panloloko [lang] sa bansa natin, pinapaikot-ikot lang tayo, Tama na!”
Hindi lingid sa marami na umaabot sa P2 trilyon na ang nagastos para lang sa mga flood control projects na ito sa loob ng 15 years, ngunit ang mahigit kalahati umano ng buong budget ay napunta lang sa bulsa ng mga politiko at ng mga kontratistang korap.