Vice Ganda, makikipag-kulitan sa Bubble Gang.

Courtesy : Vice Ganda
Courtesy : Vice Ganda

Pasabog ang longest gag show ng GMA na Bubble Gang dahil sa kanilang 30th anniversary ay si Vice Ganda ang kanilang special guest.

Ibinahagi ito ng It’s Showtime host at komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang Instagram story na kung saan ibinandera niya ang isang note na may kasamang bulaklak na nagmula sa Bubble Gang team.

Nakasaad sa sulat : “Dear Vice, Thank you for guesting. Batang Bubble ka na!”

Courtesy : Vice Ganda IG story
Courtesy : Vice Ganda IG story

Super excited naman ang mga netizens sa guesting na ito ni Vice sa Bubble Gang at tiyak na aabangan nila ito.

Ang IG story na ito ng komedyante ay ipinost niya kahapon Sept 29, dalawang taon matapos niyang ibahagi na pangarap talaga niyang makipagkulitan at maging guest sa Bubble Gang.

Say pa ni Vice taong 2023 : “Nag-aantay lang din naman ako ng imbitasyon [from Bubble Gang] at saka kung anong gagawin.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw dito na ni Vice Ganda ibubuhos ang kanyang galit at inis tungkol sa mga anomalya sa flood control projects ng ating pamahalaan.

Ani ng netizen : “ayan maganda yan na mag-guest si Vice.. para tirahin niya si Ciala Dismaya tungkol sa pagnanakaw nila sa budget ng flood control projects.”

Hindi lingid sa marami na si Ciala Dismaya ay isa sa mga parody personality ng comedy genius na si Michael V., si Ciala ay nagmula sa kataohan ng government contructor na si Sarah Discaya.

Samantala, matapos ang parody na ito ni Michael V kay Sarah Discaya, naglabas ng pahayag ang abogado ng mga Discaya at sinabing approved para sa kontratista ang bagong karakter na ito ni Bitoy na si Ciala Dismaya.

Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego III, walang problema para kay Sarah ang parody na ito ni Michael V sa Bubble Gang.

Aniya : “Hindi po. Okay lang sa kanya [kay Sarah]. Alam mo naman si Sir Bitoy, talaga namang idol ko nga ‘yan,

“Nirerespeto natin si Michael V. Idol natin iyan sa Bubble Gang [at] trabaho niya ‘yan. Parang ako, abogado, trabaho ko ito. Si Sir Michael, trabaho niya ‘yun. Doon siya kilala. So, bakit tayo magagalit?” dagdag pa ng abogado.