Viral sa social media ang komedyanteng si Vice Ganda matapos nitong hinamon ang Pangulo ng ating bansa na si BBM sa Luneta Rally.
Hindi lingid sa marami na libo-libong mga pilipino at mga tax payers ang nakiisa at nagtipon-tipon sa Luneta rally ngayong araw upang manawagan na ipakulong ang mga sangkot sa korapsyon ng mga flood control projects sa ating pamahalaan.
Umaabot na kasi sa P2 trilyon ang nagastos ng gobyerno para lang sa mga flood control projects sa loob ng 15 years, ngunit ang mahigit kalahati umano ng buong budget ay napunta lang sa bulsa ng mga politiko at ng mga kontratistang korap.
Kaya maraming celebrities ang nanawagan sa buong sambayan na makiisa sa Luneta Park at Edsa Shrine ngayong araw na tinatawag nilang a “Trillion Peso March” para sabay-sabay na manawagan ng aksyon at solusyon sa ating pamahalaan.
Panawagan ni Vice : “Magkita-kita tayo sa Luneta sa Linggo [Sept. 21]. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayup na magnanakaw sa gobyerno.”

Sa kaganapan naman ng “Trillion Peso March”, dito na hinamon ni Vice Ganda ang pangulo na si Pres. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na dapat ay kumilos na ito at ipakulong ang dapat na ipakulong, managot ang dapat na managot sa mga kawalang-hiyang ginawa ng mga ito sa mga pilipino.
Hamon ni Vice kay BBM : “Ang mga korap, kapwa Pilipinong kalahi ang ninanakawan. Kaya hindi tayo pwedeng sumuko lang ng gani-ganito. Kaya hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung gusto mo magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo,
“Ipakulong mo [ang] lahat ng magnanakaw. Nakatingin kami sayo Pangulong Bongbong Marcos at inaasahan ka namin, hindi dahil sa idol ka namin kundi dahil sinuswelduhan ka namin, inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo,
“Kami ang nagpapasahod sa iyo.. tapos na ang panahon na natatakot tayo sa gobyerno. Takutin natin ang gobyerno dahil nasa sa’tin ang kapangyarihan wala sa kanila, nakatingin kami sa inyo. Ipakulong lahat-lahat ipakulong, bawiin ang mga ari -arian pati atay idonate, ibigay ang atay, pati ang mata idonate kasi nga di tayo pwedeng maawa kasi mga putang- ina nila,
“Maraming salamat sa inyong lahat sasamahan namin kayo hanggang mamaya. Isa pa! PUTANG-INA NYO!!!” pahabol ni Vice.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa naging paghamon na ito ng komedyante sa ating pangulo at tila may point lahat ng sinabi ni Vice.
Kaya naman nakikitaan ito ni Indie Film Direktor na si Lav Diaz na malakas ang laban ng komedyante kung siya ang susunod na tatakbo bilang pangulo ng ating bansa sa susunod na halalan 2028.